Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LAND GRABBING

Go down  Message [Page 1 of 1]

1LAND GRABBING Empty LAND GRABBING Thu Mar 05, 2015 3:17 pm

arkipinoy


Arresto Menor

Magandang araw po sa inyong lahat! Ako po, on behalf of my mother, ay humihingi po sana ng legal advice sa inyo patungkol po sa aming problema sa lupa. Kasalukuyan po akong nandito sa saudi para maghanapbuhay. Ang aking ina po ang nag iisang naglalakad ng kaso namin sa lupa.

Konting background of history lang po. Ang mother ko po ay may dalawang kapatid na babae. Pangalawa po sya sa magkakapatid. Ang panganay po ay nasa Netherlands kasama ang kanyang pamilya. Ang bunso naman po nilang kapatid ay kasama ng aking ina sa bahay. Ang kanilang mga magulang po ay pareho ng pumanaw. Ang aking lolo sa mother side ay pumanaw noong sila ay mga dalaga pa samantala ang lola ko naman po ay pumanaw noong December 2003.

Mayroon pong lupa ang lolo ko sa marinduque na nakapangalan sa kanya. Ang lupa pong ito ay minana nya sa kanyang magulang. Ang amin pong problema ay inaangkin ng aming mga kamaganak ang lupain na iyon. Bale po, first cousin ng aking ina ang mga nangaakin ng lupa. Base po sa kwento, ang lupa daw na iyon ay ipinangalan lang sa aking lolo pero ang totoo daw po ay sa kanilang pagmamayari ito.

Base po sa aking pagkakatanda, noong ako po ay nasa high school, year 2000, ay may pinapirmahan po ang pinsan ng aking ina sa aking lola, tita (bunsong kapatid ni mama) at sa akin. Sa panahong ito ay nagtatrabaho po ang aking ina sa saudi. Every 2 years po ang bakasyon nya. Ako po ay minor de edad noon. Ako po ang pinapirma sa dokumento noon sa kadahilanan nga po na wala ang aking ina. Wala po akong ideya kung para saan at kung ano ang nilalaman ng dokumento. Matagal na pong pabalik balik ang kamaganak namin sa bahay noon para kumbinsihin ang lola ko na pumirma sa dokumento na yun. Marahil sa katandaan at dahil na rin siguro ayaw na nya ng gulo ay napapayag na sya na pumirma. Naalala ko po na umiiyak ang lola ko.

Lumipas po ang taon, namatay ang aking lola taong 2003, naghalungkat po ang aking ina ng mga papeles ng minsan sya ay nagaayos ng gamit. May mga nakita po syang titulo ng lupa at iba pang dokumento ng aking lolo at lola. Nagumpisa na po sya magkalap ng mga impormasyon patungkol sa lupain ng aking lolo. Doon ko lang po nalaman na Waiver of rights pala yung pinapirma sa akin. Napag-alaman po nya na ang lupa ay nakapangalan na sa aming kamag-anak kaya kumuha na po sya ng attorney. Ito pong attorney na ito ay sya ring attorney nya noong sya po ay nagfile ng annulment sa aking ama. Kumuha po sya ng kopya ng tax declaration sa lupa. Ang nagbabayad na po sa lupa ay yung aming kamag-anak.

Nagsampa na po ng kaso ang aking ina sa korte para ipawalang bisa ang waiver. Nagpunta po sa bahay namin ang pinsan nila para sana kumbinsihin sila na iatras ang kaso. Nagtalo sila ng aking ina. Nabanggit ng pinsan nya na pinapirma nya ang aking lola, tita at ako sa dokumento. Ito po ay nai-record ng aking pinsan sa kanyang cellphone. Nagkaharap na po sila sa korte for arraignment or mediation. Itinuloy po ng aking ina ang kaso.

Ilang taon na po ang lumipas hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa kaso. Binitawan na po ng aking ina ang attorney namin sa kadahilanan na  napapabayaan na nitong asikasuhin ang kaso namin. Kasalukuyan pong naghahanap ng attorney ang aking ina para kapalit ng dati naming attorney.

Ito po ang aking mga katanungan:

1. Valid po ba ang Waiver of Rights na pinapirmahan sa aming 3 (lola ko, tita at ako) gayung ako ay minor de edad at hindi po nakapirma ang aking ina at ang panganay nilang kapatid sa document?

2. Malaki po ba ang chance na mabawi namin ang lupa?

3. Totoo po bang may prescription na 10 years at after ng 10 years ay hindi na pwede maghabol ng kaso?

4. Kasalukuyan pong may nakatira sa lupain namin.  Mapapaalis po ba namin sila kapag nanalo kami sa kaso?

5. Kapag nanalo kami sa kaso makukulong po ba ang pinsan ng aking ina? kapag nanalo naman po sila sa kaso makukulong po ba ang aking ina?

6. Pangalan po ng aking ina ang ipinapirma ng pinsan nya sa akin dati. Ito po ba ay valid? Forgery po ba ito?

7. Sa ngayon po naghahanap kami ng attorney na maaring magasikaso  ng kaso namin. Wala po kaming kilalang attorney aside sa dati naming attorney. May maisa-suggest po ba kayo?

8. Kung sakali pong manalo sila, pwede po ba kaming mag-apela sa court of appeals?

9. Aside sa pagpapawalang bisa ng waiver of rights, may iba pa po bang kaso ang pwedeng isampa sa kanila?

10. Kung sakali pong manalo kami sa kaso at naibenta na nila sa iba or pinagparte parte na ang lupa, makukuha pa po ba namin ito?

Ako po ay maraming katanungan. Nakatulong naman po ang dati naming attorney sa pag file ng case, pero ang napansin ko lang kasi sinasabi lang nya kung ano yung mga gusto namin marinig. kumbaga di nya kami ineducate sa flow ng kaso kaya para kaming nangangapa lalo na ngayong binitawan namin ang dati naming attorney. Hindi namin alam ang next step.

Sana po ay masagot nyo ang aking mga katanungan. Mabuhay po kayo at maraming salamat!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum