nag sumbong sya sa barangay, nag pa blotter na sya, next day pumunta ung dalawa sa tatlong sumalbahe sa knya, sinama nila sa pulis para mag file ng case, sa pulis station hiningan sila ng statement, nag file sya ng trespassing, frustrated homicide sa pagkakatanda ko sa nakasaad sa papers nya. after nun pinakawalan din ng pulis ang dalawa sa mga nagbugbog sa knya, ang sabi daw kasi need pa nila ng notice (maybe ng fiscal), dahil sa nakalaya pa ung dalawa, 3 na tuloy sila ang nagtatago kasi ung isa kung sino ung nagbuhos sa knya ng niluluto nya ay hindi na talaga na pakita at nagtago naraw. sa ngayon 3 na sila nag tatago.
tanong ko dito tama ba ung naging proseso ng mga pulis sa ginawa nila. na pakawalan pa ung dalawa sa tatlong sumugod at nagbugbog sa kanya. kylangn pa ba talga ng notice, kitang kita naman ng mga pulis kung ano ang itsura ng complainant, mga mga medico legal namn na hawak ang complainant, andun na pinakawalan, bakit hindi kinulong muna habang hinihintay ung notice. pinakawalan nila nagkaroon tuloy ng pagkakataon na makapag tago ung tao. instead na isa nalang ung hahanapin naging tatlo pa sila.
di ko kasi talaga maintindihan kung bakit ganun ang naging hakbang ng pulis, mapapatay na sya ng tatlo hinayaan parin nila na makawala. na sira kasi yung halos kalahating mukha nya sa pagkalapnos dagdag pa dun ung mga lapnos sa mga tagong bahagi ng katawan nya, sa balikat, dibdib at likod. hindi na po kasi makatarungan ung ginawa nila hinayaan pa rin ng pulis na makalaya. baket po pag may media ang unang hakbang po ng pulis kulong agad. katulad ng mga napapanood natin sa mga news.
please paki sagot lang, kasi gusto rin po namin malaman kung may maling nagawa ang pulis para magkaroon kami ng karapatan na habulin ung humawak ng kaso nya. administrative case kung may nilaban sila sa proseso o mali ung pasya nila na hayaan ung mga gumawa at maghintay pa ng warrant. kulang nalang mapatay nila ung tao warrant parin ung hinihintay nila. para san pa ang warrant at ung notice na sinasabi ng pulis kung di na makita ang mga gumawa sa knya, samantala andun na ung pagkakataon na abot kamay na ng mga pulis ung gumawa....