Si Remedios ay nagsanla sa tita ko ng lupa sa halagang 20k, nasa abroad ang tita ko bila OFW kaya ako ang nagwiwithdraw ng pera nya sa banko in short ako ang nag abot ng pera kay remedios, dahil ako naman daw ang nag abot sa akin ipinangalan ang kasulatan na sanlaan ng lupa (nakapirma ang mga nagmamay-ari ng lupa na sina Remedios at mga kapatid nya) , kahit sa akin nakapangalan wala ako pirma dito, at ako lang ang may kopya ng nasabing kasulatan. Dahil sa pangangailangan nauwi sa bentahan ang sanlaan, binenta nila ang 40sqm sa halagang 2,5k per sqm at pumayag naman ang tita ko kaya sa tuwing kukuha sila ng pera sa akin pinapapirmahan ko sila sa nakasaad na "partial payment for the lot", sa sa matinding pangangailanngan nila ng pera ibinenta nila sa iba ang kabuuan ng lupa na 164sqm sa halagang 1M na walang abiso sa amin lalo na sa tita ko kaya pilit nilang binabawi ang titulo sa akin. Gusto ng tita ko na tuparin nila ang napagkasunduan at dahil nasa abroad ang tita ko ako ang ginigipit nila Remedios para makuha ang kanilang titulo. Nag usap na kami sa barangay at sa police station na hindi ko maibibigay sa kanila ang titulo dahil hindi ako ang tamang tao para magdesisyon na maibalik sa kanila ang titulo kahit willing pa sila na dagdagan ng interest ang nakuha nilang partial payment na 51k. Sa ngayon meron ako imbitasyon sa PAO para sa mediation , ang complain nila gusto nila tubusin ang sinanla nila na ipinangalan sa akin, itinatanggi nila ang usaping bentahan dahil wala nman daw deed of sale, tanong ko po ano po ba ang dapat kong gawin? Gusto ko sila sampahan ng kaso dahil sa panggugulo sa katahimikan ko, masyado na rin ako na-stress ano po dapat kong ikaso, patulong namn po, salamat!