Year 2012 po nung pumasok mga benta ko sa company syempre po halos lahat ng buyers ko 12 months to pay ang kanilang full downpayment kaya year 2013 pa po sila matatapos magbayad sa downpayment stage.
March 11, 2013, naglabas po ng memo ang company na kapag nagresign o nakansel ang accreditation ng isang agent ay di nya na makukuha ang kanyang commission effective April 01, 2013.
August 2013 nang ikansel po nila ang accreditation ko as agent at ang reason po dun sa letter na binigay nila tinolerate ko daw po yung staff nila na nakagalaw ng pera ng kumpanya. Dapat daw po noong nalaman ko na nagalaw ng staff nila ang pera nireport ko daw po agad sa company hindi ko na daw po dapat pinatagal pa.
Kinukuha ko po yung commission ko pero ayaw na po nilang ibigay dahil daw po sa memo nilang nilabas noong March 11, 2013.
Tama po ba yun? Hindi ko na po ba talaga makukuha ang commission ko na matagal ko pong pinaghirapan?
Salamat po.