hi everyone, my isishare lang din po ako about pxxx and at the same time mag ask ng kunting advice na rin... pagdating ko galing work ngayong gabi may nakita akong demand letter from a collection agency of pxxx, dated feb 16, 2012 yung letter. at sinisingil nila ako ng amount na Php562.46, kung tutuusin maliit na halaga lang naman. pero masakit naman sa loob magbayad kasi sa serbisyong di mo naman napakinabangan, di ba? tsaka yung account ko is discontinued na last 2010 pa, at bago ko yun pinaputol (dahil na rin nga sa poor na services ng phone at dsl nila) ay binayaran ko na yung natitira ko pang bill around, 2k. ang pagkakamali ko lang ay di na ako humingi ng clearance, bale verbal lang naging usapan naman nung nasa customer care. isa pa, bago ako nag settle ng bill ko ay wala na talagang service yung line nila kaya nga nagdecide na akong ipaputol na lang kesa ikabit nila uli tapos after ilang weeks magloloko na naman. nagtataka lang ako kung pano pa nag-generate yung 562.46 pesos bill na yun gayong wala na ngang serbisyo ang linya nila. at bakit nila pinasa sa collecting agency ang usapin na ito, ni wala akong natanggap na abiso galing mismo sa pldt na mayroon akong unsettled bill. ngayon ang tanong ko, kailangan ko bang tawagan yung collecting agency para ipaliwanag or pupuntahan ko muna ang pldt, or iignore ko na lang yung letter, dahil alam ko sa sarili ko na cleared na ako at wala na akong babayaran. ang ipinag-aalala ko lang kasi na pag tumawag pa ako sa collecting agency ay lalo lang nila akong guluhin sa maliit na halagang gusto nilang makuha. ano kaya ang mas magandang gawin, abala rin kasi sa oras ang ganitong bagay mabuti man lang kung totoo yung demand nila. maraming salamat!