Binigyan po kami ng dalawang options:
- Una, matatapos na yung career namin once na mag take effect yung buy out at mabibigyan kami ng severance pay. Or,
- Mag join kami sa bubuuhin na new company at bibigyan kami ng 25% ng dapat na amount ng severance pay as signing bonus at makkeep ang tenure.
Binibigyan po nila kami ng deadline na mag decide until this coming friday, 30th of January kung severance pay ba or sasama sa new company. Sinabi din samin na kung di kami makakapag pasa ng decision by friday, iaassume nula na severance ang gusto namin. Pero ang problema po, hindi samin sinasabi kung saan ang location ng bagong company.
Gusto ko po malaman sana kung tamang practice ba yung ginagawa nila? Kasi po binigyan kami ng deadline sa decision namin pero di naman po kami binibigyan ng lahat ng details para gumawa ng tamang decision.