Sana matulungan nyo ako attorney!
Ako ay isang branch manager ng isang finance company at may naipong cash bond sa kumpanya na nagkakahalaga ng 55,000.00, Bilang manager ay kalakip nito ang responsibilidad sa pera, kliyente, dokumento at operasyon sa loob at labas ng opisina. Mahirap sa akin kung tutuusin at isa ito sa mga dahilan para gumawa ng ibang bagay ng di maganda para mapaganda ang performance ng branch at di masabon/mapagalitan tuwing performance meeting sa central office. Minsan ko lang po itong ginawa at aminado akong mali ang ginawa ko na gumamit ako ng pera ng ibang kliyente para i-divert/itapal sa mga kliyenteng delinquent para maupdate lang ang kanilang mga bayad bago sasapit ang monthly report. Di nag laon, akoy naaudit ng central office, at nabigyan ng notice to explain para madempensahan ang sarili. Inamin ko sa salaysay na ginawa ko yun para mapaganda ang performance ng branch at di nag laon pina shoulder nila sa akin ung amount na nagkakahalaga ng 10,000.00 plus at nabayaran ko naman ito sa loob ng 4 na araw. Lahat ng accountabilities ko nabayaran ko na lahat. At matapos nito, sumunod na ito ng suspension. Pagkatapos ng imbestigasyon at napatunayan ito, sumunod na ang termination of contract services. Tinanggap ko ang hatol na yun ng kompanya. Para makapagsimula muli, finollow-up ko yung cash bong ko para makapagnegosyo pero hold muna daw nila kasi may naaudit po kasi sa akin na kliyente na nagpast due na aminado po ako na ako ang nag credit investigate sa kliyenteng yun. Wala po akong kinuha ni piso sa kliyenteng ito, ang paratang sa akin ng kumpanya aY NEGLIGENCE OF DUTIES and RESPONSIBILITIES at COMPANY DAMAGE kasi nagpast due ung kliyente at tuluyang naging missing pero existing pa rin po yung co-makers. Di na bago sa amin ang past due accounts sa kumpanya namin. At hanggang ngaun di pa po nila binibigay at makukuha ko lang daw po yun kapag nagsettle na mismo yung kliyente na na-past due.
Para po sa inyong karagdagang impormasyon, upon regularization ko po, may pinirmahan po akong memo accepting with conformity indicating regular appointment attaching salary and cola increase. Nakaindicate din po dito yung cash bond deduction amounting 250.00 every semi and monthly payroll. Ganito po ang eksaktong content nasa memong pinirmahan ko po:
" The said cash bond will be used partially or wholly to cover any monetary losses of any of your accountability due to theft, robbery, hold -up and negligence etc. On the other hand, the said cash bond will be considered as your savings with the company and that upon reaching 5,000.00 will be entitled to 2% interest per annum. It shall be your duty and responsibility to strictly comply with all the policies, rules and regulations of the company and that a corresponding disciplinary actions shall be imposed for any infractions or violation committed "
Mga tanong na humihingi ng sagot, tulong at legal na aksyon:
1. Sa kaso kong ito, ito ba'y legal na proseso at may karapatan po ba ang kumpanya na ihold yung cash bond ko?At Bakit?
2. May pag - asa po ba ako na makuha ang cash bond ko, kung oo, sa anong legal na paraan at di na gagastos pa ng malaki?
3. Maaari pa ba nila akong idemanda sa ginawa ko pero na settled po lahat ng accountabilities ko?At Bakit?
4. Sa ginawa nila sa akin, may mga nilabag ba sila labor code/employees rights at ano-ano ang mga ito?
Naniniwala po ako na ang tama at totoong testamento at detalyadong pagsasalaysay ay makakatulong para sa ikalulutas ng kaso at malaman ang mga dapat at di dapat gawin.
Lubos ko pong ikagagalak ang inyong agahang aksyon/sagot ukol sa aking suliranin.
MARAMING SALAMAT PO!