Pero nag away itong dalawa at ang position ko ang napagbuntungan nila. So sa madaling salita eh inalis ako sa Company A at nalipat sa Company B. Si Company B ngayon ang nagpapasahod sa akin pero pinagsisilbihan ko pa rin si Company A.
Ang tanong ko po legal ba yung ginawa sa akin na ilipat ako sa Company B kahit wala akong pinipirmahan pang contract sa kanila. Hindi ako inask kung gusto kong lumipat basta na lang kinabukasan ng away eh nasa Company B na daw ako. Hanggang ngayon di ko pa nakukuha yung COE ko sa company A at ang kinakatakot ko kapag nagresign ako eh mahold pareho COE ko sa Company A at B. Si HR ay nagsisilbi rin sa dalwang company na ito at inaask ko na na issuehan na ako ng COE from Company A kaso laging sinasabi eh magreresign na ba daw ako.
As per contract na pinirmahan ko sa Company A eh once na umalis sa company na yun eh magbibigay sila ng COE pero di nakalagay kung gaano katagal.
Pwede ba akong mag immediate resgination dahil wala naman akong pinirmahan sa Company B? Pwede bang ihold nila COE ko sa Company A kahit sila ang nag alis sa akin dun at gaano katagal bago makuha yung COE.
Sana po may sumagot Salamat.
Last edited by basic_instinct on Sun Jan 11, 2015 3:36 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : for privacy baka mabasa ng boss or HR)