Ako po ay may asawa at kasal po kami ng 8 years na may dalawang anak (2 yrs old at 8 yrs old),mag 3 yrs na ako dito sa abroad at nag loan po ako ng worth 1m pesos dito sa qatar upang makapag down ng 380k pesos sa bahay. nakuha po namin ang bahay noong march 2014 at march 2015 ang monthly payment promo. Ngayon po nag-lihim ang aking asawa noong september 2014, nag tapat sya sa akin sa chat messages na 3 months na silang nag uusap at nahulog ang loob nya sa isang foreigner na nakilala nya sa isang online dating site, wala pa naman physical contact na nangyayari, panay pangako lang na gagawin daw lahat ng kano para ikasal sila pag uwi nya sa febraury 2015. ngayon ang aking misis ay nakatira na sa isang condo unit kasama ang bunso naming anak, at nagpapadala ang foreigner sa mga pangangailangan nya. ang isa namin anak ay nakatira sa bahay na binabayaran namin kasama ang kanyang mga magulang. masakit man na ihayag lahat ng problema na nangyayari sa buhay namin kahit napatawad ko na sya sa ginawa nya pilit nya na po talagang sinisira ang pangarap namin mag-asawa wala ako pagkukulang sa kanya at lahat ginagawa ko para sa ikagaganda ng buhay nila, may pagkakataon na di nagkakaunawaan dahil mahirap po talaga ang komunikasyon ng OFW lalo na at iba ang oras at malimit ang trabaho, pero di naman po siguro ganon na lang basta na isusuko na lang ng misis ko ang aming matatag na pagsasamahan sa loob ng 8 years naming pagsasama.. ngayon uuwi ako ng december 23 2014 to january 10 2015, pra magbakasyon sa pilipinas at nagbabakasakali na maiayos ang lahat sa tama... pero disidido na ako na sampahan ng kaso ang aking asawa ng pangangaliwa, ano po ba ang dapat na ikaso sa kanya at ano po ba ang aking mga karapatan na makukuha? at meron ako mga katibayan sa chat nya sa cellphone at mga remittances na naipadala ko noong 2012 hanggang sa kasalukayan.. sana po matulungan nyo ako sa aking problema.
(at kung sakali man na maituloy ko ang aking demanda, posible po ba na makahanap ako na magpapatuloy ng aking kaso? dahil ilang linggo lang po ang itatagal ko sa pilipinas) salamat po muli. :-[ - Glenn