Mag tatanong po sana ako ng dapat gawin sa employer ko.
Ako po ay nag wowork sa may Manila, nag start po ako ng Feb. 2012.
Mula po noon ay binabawasan ako/kami ng Philhealth, SSS, Pagibig, Tax.
Sa Static ko po, nakita ko na Jan-June 2013 lang ang bayad, ung previous at current month to date ay wala po.
Ang sabi po sakin, bayad naman daw po ang 2012 kaya lang hindi raw po yun papasok sa contrib. namin kasi hindi raw po bayad ung penalty ng company.
Dahil po jan, hindi ko magamit ung benefits such as Loan etc. kasi wala po hulog last six months at yung buong 2012 ay nag kulang tuloy sa contrib. months.
Pangalawa, lagi po delayed ang sahod namin. may time na umabot na almost 2 weeks po kaming walang sahod. Nais ko po sanang umalis na ng trabaho o lumipat pero iniisip ko po kung pano yung mga binawas nila sa akin na di naman po na remit as contribution?
Salamat po.