Nagkarelasyon ang kapatid ko sa may asawa. nagkahiwalay naman sila pero nabuntis na ang kapatid ko.
nalaman ng asawa nung lalake na may ibang babae ang asawa nya.
Sumugod ang babaeng asawa ng dating nakarelasyon ng kapatid ko nung nalaman kung saan nakatira kapatid ko. Pero ang babae ay buntis at nagwawala sa bahay ng kapatid ko at ipinahiya sa mga kapitbahay ang kapatid ko pati na ang anak niya na anak ng asawa nya.
Walang ginawa ang kapatid ko dahil nakita nga nya na buntis ito at nanggugulo kaya hindi nya pinayagan makapasok ng bahay. Pero nagawang makapasok ang babae sa bahay at nagwawala.
Umalis na ang kapatid ko sa bahay nila at pinatuloy ko na sila sa amin. Pero tinatawagan parin ang kapatid ko ng magulang nung babae at sasampahan daw sya ng kaso dahil nasa ospital ang anak nila dahil dinugo ito pero hindi nmin alam kung nakunan.
Ano po kaya ang ikakaso sa kapatid ko? Tama po ba yun kahit wala nmn ginawa ang kapatid ko sa babae at nagpumilit lang ang babae makapasok sa bahay nila? Pilit lumalayo ang kapatid ko sa magasawa dahil gusto nyang tahimik na buhay ksama ng anak nya. Pero siya etong hinahabol ng babae para makaganti at ipatanggal ang pangalan ng asawa nya sa birth certificate ng anak niya. Wala po ba laban ang kapatid ko dahil sa maling nagawa nya noon?
Sana po matulungan nyo po kami.
Maraming salamat po.