Advise po ang pinsan ko kinasuhan ng carnapping, ang pinsan ko po ay nagtatrabaho bilang boy, utusan. Inutusan po sya ng amo nya na pumunta ng palengke, pinayagan syang gamitin yung motorsiklo, pero hindi pa pala rehistrado ng mayari. Ng papunta na sya ng palengke hinuli sya ng pulis. Nang tanungin sya kung kanino yung motor. Itinuro nya yung amo nya. Sabi ng amo, hindi nya kilala yung pinsan ko, ninakaw daw yung motor sa kanya. Kya nakulong yung pinsan ko wala naman syang kasalanan. Ng tanungin ng tita ko yung mayari bakit ganon, sinabi ng mayari kasi kung di daw nya sasampahan yung pinsan ko sya raw ang sasampahan ng pulis kasi hindi raw rehistrado yung motor bakit pinatakbo. Natakot daw yung amo na makasuhan kaya pinalabas na ninakaw yung motor nya.
Free Legal Advice Philippines