Nakaklungkot ang mga ganitong pangyayari sa mga mag-asawa dahil sa huli anak pa din ang labis na apektado. Una, dahil malalaki na ang mga anak mo, dapat seguro na malaman nila ang sitwasyon. Ipaliwanag mo, ayon sa kanilang maiintidihan at kasabay nun ay i-assure mo din sa kanila na walang mababago sa pagmamahal na ibinibigay mo sa kanila. At habang, hindi pa dumadating ang asawa mo, mainam na mag-isip ka ng kahit anung mapagkakakitaan. Hindi pdeng wala, na parating sinasbi ng mga maybahay dahil ultimong taong me kapansanan, kung me willingness, ay nakakapghanapbuhay. Pilitin mong tumayo, mag-ayos at pumostura ng konti. Maniwala ka, once na naka-recover ka, hindi mo aakalaing nagawa mo. Mahirap lamang sa umpisa pero kung pipilitin mo ay makakaya. Gawin mong inspirasyon ang iyong mga anak. At pag nakikita ka nilang "tumatayo" ay lalakas din ang kanilang loob at magiging matatag. Baka nga pag nakita ng aswa mo ang iyong "improvement" ay magulat sya.
Pasnsya na sa aking obserbasyon ayon sa iyong kwento, subalit tila "mababa" ang tingin syo ng iyong aswa sa dahilang nagawa ka pa nyang utusan na kausapin ang babae (na ginawa mo nman). Ito kc ang kadalasang ngyayari sa mga maybahay na walang pinagkakakitaan, na parang sunud-sunuran sila sa kanilang asawang lalake dahil sa sila ang kumikita. Clinging vine kumbaga ng babae ang lalake.
Kumuha ka ng kopya ng marriage of certificate nila ganun din nung ginawa nilang cenomar para me ebidensya ka kung sakaling mag-file ka ng kaso. Ganun din ng katibayan kung saan nya itinira ang kanyang bagong "asawa". Madami pd ikaso sa kanya katulad ng RA 9262, Bigamy, Concubinage, Falsification of Public Documents, Perjury... Subalit pag ikaw ay naghabla, iyon ay iyung handang-handa ka na esp emotionally. Kaya pag-isipan mong maige.
kung gusto mo syang mapauwi ay puntahan mo ang kanyang recruiting agency (kung meron)
at ang OWWA, hindi DFA or embassy at sabihin ang iyong mga dahilan. Ito ay titmbangin din nila kung ganu kabigat. Subalit, sbi mo nga ay ibinibgay pa nman nya ang lahat ng inyong pangangailangan kaya mainam na hayaan mo muna at ang sarili mo muna ang iyong asikasuhin.
Kung ang ikinakatakot mo ay ang pag-aaral ng mga anak mo, pd kang humiling sa korte ng financial support. Ito ay iniuutos na ng korte kahit habang naghe-hearing pa lang.
Hindi KAILANMAN pdng alisin kahit ng korte ang iyong karapatan sa iyong mga anak kahit pa ikaw ay walang trabaho pwera na lamang ng mga matitinding dahilan katulad ng me dprensya sa pag-iisisp, etc.
Ang annulment ay nagpa-process kahit hindi ka pumirma.
Mainam na habang malayo pa ang Feb na kanyang pagdating ay sumangguni ka sa PAO na pinakamalapit sa inyo para sa mas tamang gabay at para ikaw ay maging mas handa. Ito ay libre.
Goodluck and be more pretty
^_^ ::imnotalawyer::