Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

titulong nakasanla sa bangko

Go down  Message [Page 1 of 1]

1titulong nakasanla sa bangko Empty titulong nakasanla sa bangko Wed Sep 24, 2014 1:22 am

evenly


Arresto Menor

Hello po...
Sana matulungan po ninyo ang pamilya ko regarding sa lupa ng mga lolo at lola ko na kinamkam ang kalahati.
Ganito po ang kwento.
Ang may ari po ng lupa na nasa titulo ay ang mga magulang ng lolo at lola ko.Isinanla po yon sa banko noon sa bayan ng Naic,Cavite sa halagang P250.00.
Nakiusap po ung kapatid ng lolo ko(tatay nng lolo ko) na kung pwedeng mahiram para isanla ng mas malaki para gamitin sa  pag aabroad ng anak nito  dito po sa bayan namin at naisanla nga po ito sa halagang P2,000.00 at binigyan po ito ng power of atty. at naisagawa po ito nung taong 70`s.
Dumaan po ang maraming taon.Nagulat po ang mga lolo at lola ko(mga anak ng mga nakapangalan sa titulo) ng mabalitaan na nasa kanila na ung titulo at sinasabing binenta dw sa kanila ung kalahati ng lupa lolo ko(lalaking nakapangalan sa titulo) at may deed of sale na may pirma ang lolo ko na kasalukuyang hindi naman marunong pumirma at thumbmark lang ang ginagamit nito.

Umabot na po sa korte ung kaso ng lupa.Marami pong alam ukol sa mga dokumento ang kabilang partido.Ayon sa mga matatanda talo dw po kami kaya pumayag na rin kaming hatiin dahil halos patay na ang mga nakapangalan  sa titulo at ilang mga anak  nito.Iilang mga anak na lamang po ang nabubuhay at halos matatanda na rin sila.Masakit po  sa aming mga apo at apo sa tuhod na makitang halos pinaglaban ng mga matatanda ang lupa hanggang sa mamatay sila kaya akala po namin eh natalo na kami.

Kinuha po namin ung kopya ng titulo sa kapitolyo at nakasaad nga po dun na Ang lolo at lola ko ang nakapangalan sa titulo at naisangla nga iyon sa mga bangko.

Ang gusto po naming malaman eh  kung magkokontra demanda po ba kami eh may laban kami?

Nagpadala po ulit ng liham sa pamilya namin na kelangan naming pumirma para mapatitulohan na ung nakuha nilang kalahati.

Ano po ba ang pwedeng mangyari if wala sa partido namin ang pumirma.May karapatan po ba kaming hindi pumirma?

Isang kahig isang tuka lang po talaga kami at ang kabilang partido ay may pera,nagtatrabaho sa munisipyo at kaanak na abogado kaya po kami natalo sa korte.Nasunugan din po kami kaya barong barong lang ang nakatayo sa lupang iyon at bakanteng lupa kaya napakadali po nilang nakuha at napatayuan ang kalahating lote.

Sana po ay matulungan ninyo ang pamilya ko dahil napakahalaga ng lupang iyon para sa pamilya namin dahil maraming alaala ang naiwan ng mga kaanak ko dun.


Salamat po at lubos po akong umaasa sa payo ninyo.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum