Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

transfer of title to heirs, owner is deceased

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

bunny balebia


Arresto Menor

hi,need lang po ng opinion nyo. history po muna, bumili noon si dad ng lupa at ipinangalan sa lola. nung namatay si lola,hindi na nailipat sa kanilang magkakapatid ang titulo. kailangan na po nilang hatiin ang lupa dahil nakatengga lang. sabi ng mga tita, fair share dapat dahil legal heirs silang tatlo. katwiran ng dad sya ang bumili ng lupa at ipinangalan lang sa lola kaya sa kanya lang dapat. at plano nya ilipat sa 'ming magkakapatid. pero tutol ang mga tita dahil may mga pinsan din kami. patay na ang isa kong tita at si pinsan na ang naghahabol para sa parte nya. may nakausap na raw po sila about this at ang sabi need ng pirma ni remaining tita at pinsan para matransfer sa dad ang titulo. tama po ba lahat ito? isa pang tanong, pano kung di pumirma si tita at pinsan, may habol pa kaya si dad sa technically e lupa talaga nya? nag-uulyanin na si dad kaya gusto nya matapos agad ito. thank you in advance.. Neutral



Last edited by bunny balebia on Wed Sep 17, 2014 11:58 am; edited 1 time in total (Reason for editing : additional input)

hustisya


Prision Correccional

Mahirap patunayan yung verbal na usapan lang. Dapat may docs that will serve as a proof na yung dad mo talaga ang bumili. Dahil sa patay na yung lola mo, mahirap ng patunayan yan, eh lalo na wala pang naiwan na kasulatan ang lola mo. Since sa lola mo nakapangalan yung property at wala ngang Will of Testament na iniwan, tama sila, hindi nyo basta basta malilipat ang titulo sa pangalan ng dad mo lang na wala silang pirma... o maging sa pangalan din nila na walang pirma ang dad mo. Kelangan kasi ng magkakapatid or any surviving heirs na mag execute ng ExtraJudicial Settlement of Estate na kung saan doon pipirma ng kasunduan sa hatian ang mga naiwang legal na tagapag mana ng iyong lola. Since, ayaw pumayag o maniwala ng mga kapatid ng dad mo, mahirap talaga na mangyari ang gusto nyo. Salamat. Sana nakatulong.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum