Hi, May tanong lang po ako. Nagrerenta po kami ng isang bahay. Namatay ang may-ari (Husband and Wife). May limang tagapagmana. Hindi ko po puwedeng pangalanan. Kaya A, B, C, D and E. nalang ang ipapangalan ko. Si A po ang kanilang ginawang tiga pamahala ( with SPA) sa naiwan na estate ng namatay. Kaso, ngayon itong si B ay dinimanda si A dahil hindi daw ibinibigay ang kita ng estate sa kanilang apat. Tapos tinatakot kami na kasama daw sa idedemanda. dahil sa pagbibigay ng pera kay A. Dapat daw ay pumirma kami sa kontrata sa kanya (B). Tama po ba na pumirma kami sa kontrata sa kanya? Ang Property ay nakapangalan pa po sa dating may-ari. Nag-extra judicial settement daw sila. Wala naman siyang maipakitang document na siya na ang appointed na tagapamahala at ang kopya ng demanda ay siya lang ang nagrereklamo at wala naman ang panagalan ng tatlo pa na tagapagmana. Sana po ay masagot ninyo po agad ako dahil sa madalas nangungulit ang taong ito. Salamat po.