Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

OFW iniwan ng asawa

Go down  Message [Page 1 of 1]

1OFW iniwan ng asawa  Empty OFW iniwan ng asawa Tue Aug 19, 2014 2:19 am

Hazel_nuts


Arresto Menor

Kami ay 6 na taong ng kasal sa civil ng aking asawa at kasalukuyang nagttrabaho bilang OFW dito sa dubai . Kinasal kami sa bayan ng asawa ko sa Pampangga . Sa loob ng anim na taon hindi po kami nabiyayaang magkaroon ng anak .

Ang aming pagsasama magmula ng kami ay ikasal ay naging masaya kahit na sari sari ang aming mga pinagdaanan kami ay naging magkatulong upang malampasan lahat ng pagsubok . Nag umpisa ang problema namin nong kunin namin at tulungan makarating dito ang nag iisang kapatid ng asawa ko at asawa nya . Ginastusan namin lahat lahat kahit passport ng bilas ko para makarating sila dito. Sa madaling salita ay nkarating dito ang mag asawa at aming kinopkop hanggang sa magka trabaho sila at patuloy parin namin silang tinulungan iisa ang aming lutuan kami ang nagpprovide ng rice at ulam pero kapag may gusto sila ulamin bumibili din sila paminsan minsan . Ganyan ang naging set up namin for 1 year . Plus may magkapatid pa cyang pinsan na madalas din sa amin . Sa madaling salita ay lahat sila pinakisamahan ko ng maayos . Hanggang dumating ang araw na nagbakasyon ang asawa ko wla pang 3 araw nag alsa balutan ang kapatid nya at asawa nito at isang msg lang sa facebook ang natanggap ko . Kahit alam nila na nasa loob ako ng kwarto namin nong maglipat sila . Mula nong araw na yon nag umpisa na ang maraming pagsasagutan naming mag asawa patungkol sa kapatid at pinsan nya . Sa mga wlang tigil na pasaring at kwentong mali mali ng pamilya nya . Na nakapagpabago sa pakikitungo ko sa kanya dahil sa sunod sunod na masasakit na pangyayari . Naglayas ng 2 mos ang aking asawa sa first month nagpapakita sya ng ilang beses kung hindi ko pa cya tawagan ay hindi ko pa cya makaka usap yon ay kapag sasagutin nya ang tawag ko pero mas madalas ay pinababayaan lang nya mag ring ang kanyang mobile umaabot ng hundred miss calls . Sa sobrang stress ko umabot pa ako sa punto na inatake ako ng hyper tension umabot ng 180/140 ang BPko sa sobrang stress sa mga ginagawa ng asawa ko . At sa panahong ako ay na irush sa emergency hindi manlang nya ako inasikaso kahit tawag man lang na lalo ikina lala ng pangyayari .sa kanyang pag alis ay isinama nya ang sasakyan namin na ako naman ang mas marami ang naibayad , at sinabihan nya ako na ibebenta nya ito at bibigyan nya ako ng pag uumpisahan ko . Pero hindi naman nya naibenta after 2 mos bumalik cya may gas gas ang aming sasakyan . Basta na lang cya umuwi wlang paliwanag kung bakit nya nagawa sa akin yon wlang paliwanag kung ano ang plano nya para sa buhay namin .may bagong password ang email nya ang facebook nya at laging nkapatay mobile nya kapag nsa bahay na ako . Ganon pa man sinubukan namin uli mamuhay na parang walang ngyari , hanggang sa mag umpisa nnman ang pamilya nya sa mga bagay na ikinagagalit ko umabot sa punto na isang buwan kaming hindi nag uusap hanggang sa i confont ko sya at binantaan nya na " iiwanan nya ako uli sabay kuha ng susi ng company car " kaya nag desisyon ako na unahan cya umalis ako ng aming inuupahang bahay at nangupahan na ako malapit sa trabaho ko , dahil hindi maganda ang sitwasyon ko sa nilipatan ko nag desisyon akong bumalik after 2 weeks . Para ayusin ang lahat ngunit matigas asawa ko lumayas na cya ng tuluyan after a week kong bumalik sa kanya nag iwan cya ng isang sulat na ayusin na lang namin kanya kanya naming buhay . Tinangay nya uli ang aming sasakyan . Ngayon kapag may lakad ako at nagsasabi ako na hihiramin ko ang sasakyan hindi cya sumasagot hanggang sa magbago na cya ng simcard hindi na cya matawagan . Sobrang stress ko na po pati trabaho ko apektado na sa mga sama ng loob na binigay nya sa akin .basta basta na lang nya akong tinalikuran at nagtago na cya dito sa UAE palibhasa alam nya na bahay trabaho lang akong tao at wla akong kakayahang hanapin cya.


Mga tanong po :

1) pwede po ba ako mag file ng case kahit wla cya sa pinas , cya ay nasa dubai at ako ay uuwi pra mag file ng Case regarding sa mga pagpapahirap nya sa akin emotionally and psychologically , s kahihiyan na binigay nya sa akin sa public dahil sa mayat maya naglalayas cya . Pwede ko po ba makuha lahat ng ginastos ko sa pagkuha ko sa kanya at pamilya nya dito sa emirates , pati mga pinambayad ko sa company nya nong mga panahon na nagka problema cya . Pati pinang araw nya sa auto CAD school bago ko cya kunin dito . At lahat lahat ng mga hiniram nya na cash at ride sa credit card ko .

2) may hinuhulugan po akong condo sa pasay kahit isang sentimo po wla cya naitulong doon . Ano po ang dapat kong gawin para mawalan cya ng karapatan doon . Al though verbally sinasabi nya na akin lang yon at wla cya paki alam don.


3) since cya ang umalis sa tinitirhan namin gusto ko cyang obligahin na hiwalayan ako na ako legally . Para maibalik na pagiging single ko . Tama ba or hintayin ko cyang mag file ng annulment .

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum