isa po akong empleyado sa isang paaralang pangkolehiyo. I was promoted para humawak ng isang branch. Hindi lang po branch management ang aking ginagawa multitasking po kaming lahat ng empleyado. Nangyari po ang mga problema last April 2014 ng magkaroon ng audit sa accounting office may nakita na mga descrefancies ang lahat naman po ay kaya namin ipaliwanag at gawan ng report. Inaamin ko po na nagkaroon ako ng mga pagkukulang sa pag mamanage at pag subaybay sa accounting department, ito po ay sa kadahilanang ako ay madaming nasasakupang gawain.
Note:
* ang kahera po namin ay hindi well trained.
Pinipilit po ng aming boss na may nawawalang pera. kumuha po siya ng external auditor para dito. ayun sa external auditor base sa kanyang isinagawang audit na base naman sa accounting standard. may mga di maipalawanag na pera na di umano ay nawawala. ngunit matapos naming matangap ang report pagkalipas ng isang linggo ay naipalawanag naman namin ito. Ngunit di pa din po siya naniniwala at sinasabi nya na mayroon pa daw po siyang ebidensya na kayang ilabas sa korte. Ayaw po niyang sabihin kong anu ito upang aming maipagtangol ang aming panig. Pinipilit po niya akong paaminin ang kahera namin upang matapos na ang isyu, sa tingin ko po ito ay hindi makatarungan.
Ilang linggo ko po itong dinamdam magpahangang ngayon at nagdulot na sakin ng emotional toture. Palagi din nya kaming tinatakot na hindi na kami makahahanap pa ng trabaho dahil dito.
Sobra po siyang magsalita, masasakit at mapanghusgang mga salita ganoong hindi pa naman tapos ang paglilitis sa naturang problema tinatawag po niya kaming mga "magnanakaw" kahit sa harap ng karamihan na para bang hinatulan na kami kahit di pa man namin naibibigay ang aming panig.
ito po ang aking katanungan:
1. Maari po ba kaming magsampa ng kaso para sa "paninirang puri" dahil sa kanyang mga malisyosong pananalita.
2. Kung sakali po na ako ay magresign at isyuhan po nila ako ng termination makatarungan po ba ito. anu po ang dapat kung gawin.
salamat po.