I filed a case againts 2 people. We were through with the local barangay &the complain is now with the prosecutor’s office in Manila city hall.
My complain includes slight physical injury, less grave threat, unjust vexation & qualified theft. But when I received the subpoena from the city hall the only complain forwarded was the slight physical injury.
We were called last October 4, 2010, the prosecutor advised the respondent to make a counter affidavit and since the other respondent did not appear we were rescheduled today October 18, 2010. The 2 respondents came and submitted a joint counter affidavit and I was asked to make a reply to the counter affidavit they have submitted.
Ngayon lang po ako makakapagsampa ng kaso sa proper court kaya marami po akong hindi maintindihan. Gusto ko po sanang malaman kung anu-ano ang mga dapat kong gawin para magprosper ang kaso ko laban sa mga taong nanakit sa akin.
I am 30 yrs old married with 2 kids, employed. I filed a case against a jobless man, married with 3 kids aka: "Oying" & a woman 22yo, single,currently working as a house helper to my sister in law aka: "Jet".
Oying is a close friend to my husband’s family & Jet used to work with me as a house helper & a nanny to my daughter. Jet is with me for more than a yr. Jet used to be nice, hardworking and diligent. Her work performance became less satisfactory when she started to be close with Oying. She frequently used her mobile phone even if she's looking for my daughter. Madalas na ding nawawala sa sarili... (kinakausap pero hindi sumasagot, nasusunugan ng kaserola kapag nagluluto, nakukupasan yung mga nilabhang damit). But inspite of this I still tried to be more patient of her actions. I talked to her in a nice way.Time passed and they became closer to each other. When I was pregnant with my son in October last yr madalas naming naaabutang magkasama sa kwarto ng mga kasambahay sila Jet at Oying. By then I became bothered considering Oying is married and I feel that I have social and moral obligation to Jet since she is living with me. Kinausap ko si Jet at inamin naman nyang may relasyon na sila ni Oying. I tried to convince na wag nalang si Oying dahil may asawa na ito at may mga anak. Isa pa ayokong sumbatan kami ng mga magulang ni Jet na pinababayaan naming mapahamak si Jet gayong nasa poder namin ito. Sumang-ayon naman si Jet sa akin at nangakong iiwasan na siOying. Pero sometime in May 2010, nahuli ko si Jet na tumakas sa aming bahay sa Bulacan para makipagkita kay Oying. I trusted her to look at my daughter when I was not home tapos iiwan lang nya yung bata. Kahit kailan hindi ko naman sya pinagbawalang magday-off. Naging mabuti ako sa kanya. Pero bakit kailangan pa nyang tumakas? I confronted her xempre I feel betrayed. Ang masama ginawa nyang dahilan yung pagsita ko sa kanya para magpa-awa kay Oying. Nagsumbong sya kay Oying na pinapalayas ko na sya at pinakikitaan ng masama kahit hindi naman ganon ang nangyayari sa bahay.
Naulit ang pagkatakas ni Jet nung June 23, 2010 sa bahay namin sa manila upang muling makipagkita kay Oying. Kinaumagahan June 24, 2010 mga 8:30 am kinausap naming mag-asawa si Jet tungkol sa ginawa nya. Hanggang sa nagsabi si Jet na gusto na lang nyang umalis na sa amin. Kaya nagdesisyon na kaming pauwiin na lng siJet sa mga magulang nya.
Pero dahil na rin sa need ng hipag ko at bilas ng kasambahay at katulong sa tindahan kinuha nila si Jet. Tanghali nung June 24, 2010 habang nasa office ako, nagtext yung isang katulong ko na bumalik ng bahay namin sa manila si Jet at pilit na kinuha yung susi ng bahay namin sa bulacan.
Nung dumating ako sa bahay (MLA) mga 10:00pm, nagsumbong naman yung isang kasambahay ng hipag ko na pinilit pakainin ni Jet ng kanin yung anak kong 2 yrs old, pinisil ang bibig at pinilit isubo ang kanin.Nabulunan yung bata, di nakahinga at nagsuka. Dahil doon tinawagan ko si Jet para kausapin pero hindi nya sinagot ang mga tawag ko kaya naisip kong personal na lang syang kausapin.
Mga 12:30 ng madaling araw, June 25,2010 pinuntahan ko siJet sa bahay ng bilas ko. Pagdating ko doon itinuro ng bilas ko ang kwartong ibinigay nila kay Jet. Ilang ulit kong kinatok ang pinto ng kwarto ni Jet pero walang sumasagot. Kinatok kong muli ng malakas ang pinto habang tinatawag ang pangalan ni Jet hanggang may sumagot na parang ungol ng bagong gising nalalaki. Nagtaka ako dahil dalaga si Jet at siya lang ang pinahintulutan ng bilas ko na matulog sa kwartong yon, sa pag-aakala ko mali ang kwartong kinatok ko tinawag kong muli ang pangalan ni Jet. Maya maya bumukas ang pintong kinakatok ko at lumabas si Oying na halatang bagong gising.
Maliit lang yung kwarto saktong tulugan lang kaya’t pagbukas ng pinto kita na agad ang kabuuan ng kwarto. Nang Makita ko si Jet sinita ko sya agad kung bakit nya kinuha yung susi ng bahay ko ng walang paalam at kung bakit nya pinilit pakainin ang anak ko. Itinanggi nya ang mga sinabi ko habang nagtatago sa likod ni Oying habang itinutulak ang kanang kamay ni Oying na para bang may inuutos syang gawin ni Oying. Patuloy akong nagsalita hanggang sumabat si Oying. Pinagsabihan ko syang huwag makialam dahil si Jet ang gusto kong kausapin. Pero sumagot muli si Oying na “umayos ka ng pagkausap sa akin, kung ayaw mong suntukin kita, ano gusto mo?” Pagbukas pa lang ng bibig ko para sumagot naramdaman ko na lang na may dumapong kamao sa mukha ko, namanhid at nag-init ang kaliwang pisngi ko, nauntog ako sa katapat na pader at nagdilim ang paningin ko sandali. Habang bumabangon ako mula sa pagkakasadsad nakita kong nakaambang muli ng suntok si Oying at sabing “ano gusto mo pa, hindi lang yan ang aabutin mo!” Sa laki ng katawan ni Oying kumpara sa akin at sa takot ko naisip kong tumakbo palabas. Hindi ko alam na nakasunod pa pala si Oying habang tumatakbo akong pauwi sa bahay. Mabuti na lang at sinalubong ako ng asawa ko na tinawagan ko habang tumatakbo pauwi. Nang makasalubong ko ang asawa ko napansin nyang kasunod ko din si Oying kaya sinalubong din nya ito pero tumakbo pabalik si Oying ng makita ang asawa ko at mapansing marami ng tao ang nakatingin sa amin.
Sa joint counter affidavit nila iisa ang address na ginamit nila samantalang magkaiba ang address na tinutuluyan nila at pinabulaanan nila ang lahat ng complain ko laban sa kanila. At sinabi pang kaya sya (OYING) tumakbo nung gabing yon at tumuloy sa barangay ay dahil inundayan sya ng saksak ng asawa ko, na walang katotohanan. Samantalang noon madalas pang sabihin ni Oying sa mga kaibigan nila at sa pamilya ng asawa ko na willing syang magpakulong total naman daw hanggang 2 buwan lang syang pwedeng makulong sakaling manalo ako sa kaso isa pa P500.00 lang daw kung babayaran nya ako. Isa pa nung nasa barangay pa lang kami ipinagmamalaki pa nyang nananampal daw talaga sya ng babae lalo na kung wala sa katwiran, na hindi naman sinita ng mga nasa barangay. Nagsabi pa nga syang kung gusto ko daw sasampalin nya ako sa loob ng barangay para mas malakas ang kaso ko sa kanya para may mga witness sa ako.
I was given until October 26, 2010 to make a reply on their counter affidavit. Nawawalan na po akong pag-asang mapanagot sila sa mga kasalanan nila dahil sa mga kasinungalingang sinabi nila sa kanilang counter affidavit. Please give advice.
Thank you,
Yzhel