hi! gusto ko pong mag-seek ng legal advice regarding cyberharassment. Ganito po kc ang nangyari, may friend po ako na hiniraman ng pera last march amounting to SGD500 (P17,000) para pangbayad po sa hospital bill ng mother ko. Nangako po ako na babayaran ko din the following month, apparently, natanggal po ako sa trabaho so I'm completely broke. Ininform ko yung friend ko na hindi ko muna siya mababayaran dahil nga po wala po talaga akong pera. After ko po siyang iinform ng situation ko, around april until last month, nagmemessage po siya sa Facebook at naniningil po. Ang problema po, ilang months akong walang internet kc currently po, asa Kuwait na po ako ngaun at dito na nag-wowork. My access po sa Facebook ko ang husband ko so siya po ang nakakabasa ng mga messages and nirerelay niya lang po sa kin. Nireplyan po siya ng husband ko once to inform her na ngaun lang ulit kami nakakabangon from being broke at ininform din po siya na nasa Kuwait na po ako at walang internet connection most of the time. Ininform din po siya ng husband ko na hindi namin siya tatakbuhan pero nakiusap siya to give me sometime para mabayaran ko ang hiniram ko dahil nga po ngayon lang po ako ulit nakakabangon from being broke. After that, I thought ok na po since nakapagpaliwanag naman ang husband ko. But suddenly, naka-receive ako ng abusive messages from her sister. By the way, hindi lang po pala ako, pati ang husband ko at mother ko. She was threatening us na imemessage niya lahat ng friends ko to let them know na may pagkakautang ako sa kapatid niya. Nagbabanta din siya na sisirain niya ko by posting something of FB against me and she will make sure that it will go viral. At pati mommy ko dinamay niya by saying na susugurin niya sa work ang mommy ko. I know I can just go ahead and block her in my Facebook account but what scares me is her threat to ruin my name. I have a career and a family to protect. Please I need your advice on this. Thanks and I am hoping for your prompt response.