Nakatira po kami sa lupa na matagl ng inuupahan ng lola ko, may katabi po kaming 1 pamilya na tenant din na tulad namin, binenta po nila yung rights nila sa lupa.. As time passed, ung tunay na may-ari po ay namatay, pero patuloy po kaming umupa sa mga anak nung may-ari hanggang dumating sa point na binenta na nila samin ung lupa na tinitirikan ng bahay namin at ung lupa nung ktabing tenant namin.. Binenta po nila ng mababa lang para kami na mag-aus nung inheritance tax.. Nag-opt po kaming i bypass ung inheritance tax at gumawa ng deed of sale na ung original na may-ari ang pumirma kahit na patay na xa.. ang pumirma po ay ung anak din niya, Pumayag po cla na gawin namin ito.. Nang maitransfer na po ang lupa sa amin dumating na po na kailangan na namin harapin ung mga informal settlers,.. Ayaw po nila umalis kasi peke daw ang deed of sale.. Is there any way para maitama namin ang lahat at bayadan ang inheritance tax bago magsimula ang court proceedings?
Free Legal Advice Philippines