Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

seek lang po ng legal advice

Go down  Message [Page 1 of 1]

1seek lang po ng legal advice Empty seek lang po ng legal advice Mon Jun 23, 2014 3:29 pm

nmach


Arresto Menor

Isa po akong call center agent
May ina attend po akong barangay hearing sa kasalukuyan tuwing sunday Ako po yung respondent

Ang reklamo po laban sa akin ay: Nang "rob" ng netbook gumawa ng eskandalo sa school at paninira sa Facebook.

Ang complainant ko po ay isang Public School Teacher.
Dati po kaming matalik na magkaibigan at nakababatang kapatid po sya ng kinakasama ko.

Nagsimula po ang lahat noong hiniram ni Teacher ang Motor ni Live in Partner noong May 7, 2014 nung inuwi nya sa bahay ang motor may nasira tinanong ko sya sa nangyari kong bakit at napaano sa mahinahon na way. Peru ang sabi nya hindi nya po alam.
Prior po sa nangyari sa motor hiniram nya din po yung netbook ko sometime last week of April 2014. Lingid sa kaalaman ko na nagagalit na pala sya sa akin simula noong binalik nya yung motor sa bahay na may sira, kasi pinangunahan ko daw sya magsabi sa kapatid nya.
Hanggang sa nagsimula syang mamirsonal at kong ano ano personal na mga salita ang sinasabi.
Kinuha ko po yung netbook ko noong May 21,2014 bandang 10 am sa school nila during brigada eskwela. Binigay nya naman po sa akin.
Kinahaponan nagdala sya ng barangay sa bahay ko, kinalampag nila yung bahay ko kasama nang isa nya pang kapatid na babae na teacher din. Hindi po ako lumabas ng bahay nung time na yun at nagkunwari akong wala ako sa loob ng bahay. Nag Threat yung isa nyang kapatid sabi " humanda daw ako kapag nakita nya ako wala daw kasi akong ibang dadaanan kundi sa harap ng bahay nila"
Start ng barangay hearing namin was last June 8, 2014
Sinabi po ng complainant sa barangay na sa kanya na daw po yung netbook kasi binayaran nya na daw po yun ng 10,00pesos. At nag eskandalo daw po ako sa school nung kinuha ko yung netbook.
Una po sa lahat hiniram nya lang po yung netbook sa akin, hindi ko po binebenta ang gamit ko at wala akong pinagbentahan nyan kahit kailan at wala hong transaction na bentahan at bayaran.
Yung tungkol naman sa Facebook hindi nya na masyadong iexplain sa barangay. Hiningan po sya ng barabgay ng mga ebidensya pru wala naman po sya e prinisenta.
Mga katanongan:
1.
Masyado na po akong naabala sa barangay hearing kasi office days ko po yung sunday. Ano po ba ang hakbang ang pwede kong gawin balak ko pong mag file ng reklamo sa kanya kasi po pawang kasinungalingan ho yung accusations nya sa akin doon sa barangay. Kinaladkad nya yung name ko sa kahihiyan.
2.Paano po yung proseso kapag mag fifile ng reklamo sa ganitong klaseng tao? Pwede ko po ba gawin yun kahit may pending hearing case kami sa barangay?
May pinermahan po kaming dalawa doon sa barangay justice, we both agreed to endorse the case to the higher court.
3.  Hindi po ba ako ma hihit kong sakaling kumuha ako ng NBI clearance ngayun habang nasa barangay pa po yung reklamo?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum