Kelangan ko po ng legal advice.
Yung friend ko kasi nag-apply ng work sa isang Call Center company. Nagtraining, natapos ang training hanggang sa nakapasok sa company.
Dahil sa magandang performance, of course, nagpaid off ang pagod. Naging TEAM LEADER at nabigyan ng privilege ng makagamit ng company car, maliban pa sa unang sweldo.
Here come's the problem:
#1) Dahil kulang sa requirements, nagrequest ang friend ko na ang una nyang salary ay sa pamamagitan ng CHEQUE. Binigyan siya ng 2 CHEQUES, isa ay para sa regular na sweldo, then yung isa is bayad para sa training. Pero yung 2 CHEQUES ay parehong CROSS-CHEQUES. Since wala pang account ang friend ko, nagdecide na sa account ko muna i-deposit ang mga CHEQUES.
June 09, 2014, Monday: Dahil sa napalayas sila ng kanyang kapatid sa kanilang tinutuluyan. Natulog sila sa kalye dahil walang pera. Pero hawak niya ang 2 CHEQUES. Then, para makarenta ng matutuluyan, pinadalhan ko siya ng 6000 pesos through SMART PADALA. Bale ang makukuha niya is less 6000 pesos due to charges.
June 10, 2014, Tuesday: Dahil graveyard shift, nagdecide na ideposit ang CHEQUE nung June 10, 2014, through company's messenger. But until June 13, 2014, Friday, no amount has been credited my account...
Napag-alaman din na yung messenger ng inutusan niyang magdeposit ay ilang araw na ring hindi pumapasok.
#2) June 07, 2014, Saturday: Dahil sa meron siyang privilege na makagamit ng car, inayos niya ang mga papers nito.
June 13, 2014, Friday: Ginamit ng friend ko ang car. But unfortunately, hinuli siya ng pulis sa Cubao because of overspeeding and driving without license. By the way, the license was not yet delivered to him. Nahuli siya ng pulis pero dinala ng pulis yung car sa CASA. Then pinatawag ang representative ng company pero huli na kasi nadala na sa CASA ang sasakyan. At kelangan niya magbayad ng mahigit 13,000 pesos para makuha ang sasakyan at maibalik sa company.
Tanong: Pag nahuhuli ba ng overspeeding at driving without license kelangan ba talagang dalhin ang kotse sa CASA? FIRST OFFENSE lang pero bakit ganun kalaki ang penalty?
Dahil sa nangyari, sinuspende siya ng company. Sa kadahilanang ginamit ng friend ko ang car ng hindi pa kumpleto ang papers niya...
Dahil nga nasuspende, nawalan ng trabaho. Ang masaklap hindi pa rin nakukuha ang unang sweldo.
June 17, 2014, Monday: Dahil sa pangangailangang pinansiyal, napagusapan namin na i-follow up yung CHEQUES bakit hindi pa rin nadedeposit.
Tumawag ako sa bangko kung saan dapat ideposit ang account. Pero napag-alaman ko na walang transaction na nangyari.
So pumunta siya ng office para magfollow up. Pero binilin ko na wag manggugulo or mang-aaway ng personnel ng company.
Pero nagulat ako sa ginawa ng friend ko, imbes magfollow up, nagsumbong sa DOLE at ang DOLE kinausap ang company. Dahil sa walang pera, hindi mabayaran ang representative ng DOLE.
Sa kadahilanang walang alam, tungkol sa pasikot sikot sa usapang legal, nagplano na iurong ang reklamo. Pero binantaan siya na babaliktad kapag ginawa yun at binigyan lamang siya ng konting panahon para makumpleto ang hinihingi na 5000 pesos.
Dahil ulila na at kapatid lang ang kasamang namumuhay, yung tatay kamamatay nung nakaraang May. At itinakwil pa ng mga kamag-anak, walang ibang matakbuhan maski mga kaibigan. Nagkataon din na ako ay wala ring maitulong dahil sa wala rin akong pera, dahil naubos na rin sa pagsuporta sa kaibigan ko.
June 20, 2014, Friday, 12:00 NN: Huling chance niya para makahanap ng mahigit 2000 para makumpleto ang hinihinging 5000 pesos, para matuloy ang hearing. Pero wala na akong naging balita sa kaibigan ko, pagkatapos ko syang bigyan ng 500 pesos na pamasahe para makahanap ng tulong.
June 20, 2014, Friday, 09:00 PM: Nagtext ang kaibigan ko na pinahuli siya ng company sa bintang na pagnanakaw ng company at ngayon nasa CUSTODY ng DOLE.
Ano po ang pwedeng gawin para sya makalabas? Hindi po siya nagnakaw. Kung tutuusin siya ay hindi binayaran, pagkatapos niyang magrender ng work more than 24 hours. Halos hindi na umuuwi ang kaibigan ko sa sobrang trabaho. Ang hinihingi lang niya ay ang kanyang sweldo.
Kung tutuusin may karapatan naman siyang magreklamo dahil sobrang pag-exploit sa kanya ng company at hindi pa siya nabayaran. Ngayon siya pa ang pinahuli at kasalukuyang nakakulong.
Tanging mali lang ng kaibigan ko ay nagpadalos dalos siya sa pagreport sa DOLE. Ano pong pwede niyang gawin?
Malaking tulong po ang magiging advise niyo...
Maraming salamat po.