Ung brother ng kaibigan ko pinatay sya sa work nya isa syang construction worker. Isang pulis (PO1) ang pumatay sa kanya. Ang pulis na ito ay kapatid ng kasama nya sa trabahoi na hindi naman nya nakaalitan. Kaya wala pang matibay na motibo sa pagpatay. Ang naisampang kaso eh Homicide lang kaya po nakapag pyansa na ito at nakalaya na ang nasabing pulis. Gusto sana nilang gawing murder ang kaso paano kaya ang procedure nito? Tsaka saan po sya pwedeng mag file ng kaso kasi pulis po ung nakapatay? Salamat po...
Free Legal Advice Philippines