Gusto ko pong humingi na payong legal. Ako po ay nakagalaw ng pera sa dating company na pinapasukan ko, ng madiscover ng aking boss ako po ay tinerminate, so hindi po nila binayaran ang taon ng aking serbisyo. Hindi pa po ako humihingi ng payong legal, tanging sumusunod lamang po ako sa pinagagawa ng dating ko ng opisina sa payo na rin legal nila, umabot daw po sa 2M ang kabuuang halaga ang aking daw nagalaw na pera, sa takot ko po at ng aking pamilya na akoy mademanda dahil criminal case daw po ang maaaring ikaso sa kin, sinabihin po nila akong magpaunang bayad ng 300,000.00, sa tulong ng panalangin sa ating Panginoon naibigay naman ang nasabing halaga, sumunod po ay pinagissue nila ako ng cheke para sa dalawang taon, simula po ng magissue ako ng cheke last sept 2013 hanggang march 2014 ako po ay nakapaghulog na sa kanila ng kabuuang 545,000.00 kasama ang naunang bayad na 300,000.00. Ngunit sa mga nagdaan buwan ng may at june hindi pa po ako nakakapagpondo ang total na halaga ng 2 buwan na ito ay 50,000.00, wala po akong trabaho sa ngayon simula po ng akoy materminate, taging ang aking asawa lamang po ang naghahanapbuhay. Binigyan po ako ng babala ng dating opisina nabibigyan nila ako hanggang next week para maisettle ko ang 2 buwan at kung hindi ay kakasuhan na nila ako.
Ito po ang aking mga katanungan:
1. Criminal case pa rin po ba ang isasampang kaso sa kin, kahit na may naibayad na po ako sa kanila? may piyansa po ba para dito?
2. Ano po ang kaibahan ng criminal case sa civil case?
3. Bouncing check po ba ay maaari rin nilang ikaso laban sa kin? may piyansa po ba para dito?
Maraming Salamat po, sana po ay mabigyan nyo ng attentiion ang aking problema.
Last edited by precious_angel on Fri Jun 06, 2014 10:29 am; edited 1 time in total (Reason for editing : to correct spelling)