Hello Atty, ninanais ko po sanang kumunsulta sa inyo, ako po ay accounting/finance employee sa isang company, probationary pa lang po ako.
Nakasuhan po ako dahil sa penalties sa aming business tax, late na pagbayad ng building dues, and pagbounce ng cheke. Kumbaga po dahil ako yung responsable sa trabahong iyan (ako lang ang nagiisang tao na humahawak nito) ako po ang napagbabalingan ngayon. Ang isinagot ko po sa explanation ay ako hindi masyadong naorient tungkol sa tax payment schedule ng opisina namin at sa pagbounce ng cheke ay ginawa ko lahat ng makakakaya ko para ito di magbounce.
Nagkonsulta na ho ako sa isang abogado at ang sabi sa akin ay posible ako pa din ang makitang responsable sa ibang isyu dito kahit na sabihin ko na walang proper orientation dahil sa ideya na hindi espesyal na polisiya ng kumpanya ang tax at pagtalbog ng cheke. Kumbaga, bilang graduate ng kurso ng accounting at pagkakaroon ng experience, ako pa rin ay maaaring madiin dito.
Hangat maaari ho sana ayaw ko magresign ngunit mukhang ang direksyon nito ay grave negligence at dahil sa penalties mas mabigat ang naging kaso na posible ho na matanggal po ako. May laban ho ba ako sa ganito atty? Hindi po ba sapat na sabihin na may pagkukulang sa pagturo sa akin ng bagay bagay? Sa hirap makahanap ng trabaho ngayon sana hindi naman ako matanggal sa trabahong ito. Sa ngayon ho, magkakaroon po kami ng hearing tungkol sa kaso ko.