I'll start with the main reason why there is a dispute between family members.
The reason is that yung hipag ko sa pinsan, binubully at pinagsasalitaan ng masama ng mga inlaws niya. Yung tatay ang kadugo ko dahil magkapatid sila ng nanay ko.
Grabe ang pagmamaltrato na ginawa dun sa babae, verbally, kesyo di daw siya gusto na hipag, up to the point na below the belt na ang patama sa kaniya, nilalait na siya physically, pinagbibintangan na laging lumalabas at umiinom samantalang sina nanay ko at isa ko pang tita ang kasama. Wala siyang magawa, and awkward na yung pakiramdam niya sa bahay ng inlaws niya since dun siya pinatira after pumanaw ng nanay niya.
Kaya para umiwas sa pagiging awkward, dun na siya kumakain sa bahay namin or nung isang tita namin, at umuuwi sila ng anak niya sa bahay ng tito ko (yung inlaw niya) para lang matulog.
Umabot sa punto na rin na nagwala yung asawa ng tito ko, (yung mother-in-law) at nagsabing kinokonsente daw ng pamilya namin yung babae at iniimpluwensyahan na bastusin sila. -Which is not true.
Ngayon, ipina-kagawad sila ng tito ko. ANg ikinomplain eh, yung babae, at nanay ko.
Tapos, dinamay na pati yung lupa na kinatatayuan ng bahay na tinitirhan ng pamilya namin.
Eto naman po yung story tungkol dun sa bahay at lupa:
Year 2005 nang pumanaw ang lolo ko. Pero years before pa sila pumanaw, nagpatayo ang tita ko from States ng bahay. May sarili kaming bahay, amin actually yung family house, kung saan tumira at bumuo ng pamilya sina lolo at lola.
magkakatabi ang bahay naming lahat sa iisang compound.
Una ang family house(dun kami dating nakatira), katabi nito is yung bahay na pinatayo ni tita from States(pangalanan nalang natin siyang Tita M). Kadikit ng bahay ni Tita M ang bahay ni Tito S. And then I have another tito, Tito H, whose house was built malapit sabahay ni Tito S. And then the house of Tito D.
Year 2005 namatay si lolo at naghati hati ang magkakapatid sa lupa. Napunta kay Tito S yung lupang kinatatayuan ng bahay ni Tita M.
Year 2008, nawash out ng bagyong Gading yung family house, at dahil wala naman sina Tita M sa bahay nila, pinatira kami doon hanggang ngayon.
Well now everything is getting out of hand. Pinapalayas ang pamilya ko sa bahay ni Tita M dahil sa namumuong alitan, at uuwi pa man din si Tita M this July. Nung araw na pinakagawad si mother ko at yung babae, sinabi ni tita kay Tito S, bayaran nila yung materyales na nagastos sa pagpapatayo ng bahay. Sabi naman ni Tito S, "baka kayo pa pagbayarin ko!". He demanded 20K. Which binayaran naman ni Tita M. At kahit na pinagbayad sila, pinipilit paring palayasin sina mother ko sa bahay na yun. Kaya nagdesisyon si Tita M, na idemolish yung bahay para di magamit ni Tito S.
Galit na galit si Tito S sa mga magulang ko samantalang anglaki ng sakripisyong ginawa ng mga magulang ko para sa kanila, mula sa pagsuporta sa pamilya nila pinansyal noong mga bata pa kaming magpipinsan, kung anong gatas ko, gatas ng anak nila. Kung anong nasa hapag kainan namin, kinakain din ng pamilya nila. At sa mga instances na puro sila utang pero di nila kayang bayaran.
NOTE: Yung lupang kinatatayuan ng bahay ni Tita M, na binabawi ni Tito S dahil minana niya ito, it is actually loaned. Isinangla ni Tito S ito. At forclosure na ng bangko.
So, ano po ang pwede naming gawin?
Una, ano po ang pwedeng gawin ng hipag ko sa pinsan na sinisiraan nila, at binibrainwash pa nila yung panganay na anak ni hipag at ng pinsan ko?
Pangalawa, ano po ang pwede naming gawin regarding the dispute? Okay lang po ba na ikaso nalang namin? May laban ba kami, or wala? Or hayaan nalang po namin and let karma take its course?