Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

slight physical injury case

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1slight physical injury case Empty slight physical injury case Fri Oct 08, 2010 12:28 am

rhiangrace


Arresto Menor

Dear atty.
nakita ko po email add nyo sa legal friendhood.net
i have a case filed in RTC,for slight physical injury.womans desk help me but it seems the atty. who help me is not serious about this matter parang binabayaran sya ng ex-boyfriend ko.nakapagmedical po ako and meron din picture kasi he box my mouth kaya nagkadugo ako.binugbog rin po ako at saka sinakal.
meron po ako problem pumayag ako na bayaran nalang ng 10thousand pesos para itigil ko ang case.it dated oct. 7 pero hindi po ako nakapunta sa RTC kung saan kami magkita.
makukuha ko po ba ang 10thousand na penalty ko sa kanya tomorrow sa RTC?


sana po makatanggap ako ng kasagutan
ninyo.

eto po email add ko xxxx

sincerely yours,
graxxxxx

2slight physical injury case Empty Re: slight physical injury case Fri Oct 08, 2010 7:39 pm

attyLLL


moderator

my (edited) reply:

is this a case of Slight physical injuries in relation to Violence Against Women and Children under RA 9262? your statement that the women's desk helped you and that it is at the rtc, and not the mtc, leads me to think that it is related to VAWC.

if it is not related to ra 9262, then it may be settled whether in open court during pre-trial or at the philippine mediation center.

9262 cases are not mediatable. while you may accept the P10,000, the court should not allow the case to be dismissed on the mere fact that you are willing to accept the payment. you may be asked to state in an affidavit or worse, in open court that he never ctually hurt you and that you simply made a mistake in charging him with the offense. this would be perjury and you ma be held criminally liable.

may i say something? i know it is difficult to have a case even if you are the complainant, but your case stands as an example for other abusive men who think of nothing about hurting the women in their lives.

I hope you will reconsider. you should also consider the efforts undertaken by the police and the prosecution to give you justice.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3slight physical injury case Empty Re: slight physical injury case Mon Oct 11, 2010 8:38 pm

shargel


Arresto Menor

I am accused of reckless imprudence resulting to slight physical injury by the public prosecutor. My lawyer filed a Motion to defer proceedings but the assistant city prosecutor denied it because of so many reasons. and one of those is because it is governed by rules on summary procedure...what does that mean?and will i be imprisoned?whats the worst punishment that i will get?

4slight physical injury case Empty Re: slight physical injury case Mon Oct 11, 2010 8:38 pm

shargel


Arresto Menor

I am accused of reckless imprudence resulting to slight physical injury by the public prosecutor. My lawyer filed a Motion to defer proceedings but the assistant city prosecutor denied it because of so many reasons. and one of those is because it is governed by rules on summary procedure...what does that mean?and will i be imprisoned?whats the worst punishment that i will get?

5slight physical injury case Empty Re: slight physical injury case Tue Oct 12, 2010 6:17 pm

zulfikarl


lawyer

Criminal cases governed by the Rules on summary Procedure are petty offenses (e.g. traffic violations, violations of city or municipal ordinance or any other criminal offense where the penalty does not exceed six months).

Under Summary procedure, the regular court procedures are abbreviated since the Rules require that they be resolved in 30 days. Unlike full dressed trials, parties are only required to submit affidavits and position papers. The regular Pleadings allowed in Ordinary procedure are not permitted under Summary procedure and Direct and cross-examinations may be dispensed with.

6slight physical injury case Empty Re: slight physical injury case Tue Oct 12, 2010 11:37 pm

attyLLL


moderator

shargel, ou really should discuss this with your own lawyer. punishment for RIRI slight physical injuries is just censure. what you should avoid is missing the proceedings else the court may issue a warrant of arrest.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

7slight physical injury case Empty Re: slight physical injury case Sun Feb 13, 2011 5:52 am

yurivon.sabs


Arresto Menor

Hello po sa inyo ATTORNEY!


I need a legal advice po about sa issue ng nanay ko. Walo po kaming mga magkakapatid at watak-watak dahil ang 6 sa kapatid ko ay pinalayas at itinakwil na ng nanay ko nung medyo bata pa kami dahil daw sumasagot daw kami at matigas daw mga ulo namin. Prinsipyo kasi ng nanay ko, ang hindi daw sumasang ayon sa desisyon na ay HINDI DAPAT tumira sa kanya at papalayasin at hayaang mamuhay ng kani kanila.

Ngayon po, matagal na po ang ganitong problema. Dalawa nalang kaming magkapatid sa bahay na nakatira. Ang bunsong kapatid namin na lalaki at ako, Im already 25, katatapos ko lang mag college 2 years ago and now working. Isa po akong GAY. So my partner po akong guy for 2 and half years na; so that's why im still living sa bahay ng mga magulang ko. Wala ng ang tatay ko 12 years ago so Nanay nalang meron kong magulang.

SO ngayon po, may issue po kami ngayon ng nanay ko. My BF kasi ako tapos, binibisita ako ng BF ko sa bahay. RELIGIOUS po ang nanay ko at laging nagsisimba so hindi siya sang-ayon sa pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko lalaki. Isang araw nilapitan nya ako sa kwarto at kinausap na hindi nya gusto ang nangyayari at hindi nya gusto na binibisita ako ng BF ko dito sa bahay dahil daw ayaw ng nanay ko na kino-consente ako ang pakikipag relasyon sa nanay ko. Inintindi ko po ang nanay ko nung sinabi nya sa akin yun but hindi po ako sang-ayon sa ginagawa nya nya pag maltrato ng BF ko dahil everytime sinusundo ako ng BF ko, kahit po hindi ko na siya pinapapasok sa bahay namin sa labas nalang po siya naghihintay para kunin ako pag may lakad kami, pinapa kita nya kasi na galit na galit siya sa lalaking yun at parang tinatrato nyang may malaking ATRASO sa kanya. Nasasaktan po ako sa mga ginagawa nya. Until po kanina lang, pinasok nya ako sa kwarto ko at tinanong nya ako kung anong problema ko. Sabi ko "bakit ma? anong problema? dahil ba si eric sinundo ako dito? sa labas lang siya naghintay ah? hindi ko siya pinapapasok ng gate". Tapos sabi nya hindi nya parin gusto na pumunta ang BF ko kahit man lang sa labas bakod namin. Ayaw parin nya, tapos sabi pa ng nanay ko, kung gusto ko daw na bibisitahin ako ng BF ko anytime, dapat daw lumayas ako sa pamamahay namin at mag sarili na.

Tapos yun po, nakipagtalo po ako sa nanay ko dahil po hindi ko na kaya yung ginagawa ng nanay ko BF ko sa pagpakita nya ng GALIT pag nagkikita sila. Para bang naghahanap siya ng rason para mapalayas na ako sa bahay namin dito. Ewan ko ba kung bakit gusto nya lumayas kaming lahat ng mga kapatid ko except po sa bunso kong kapatid na lalaki na obviously FAVORITE SON nya. Lahat po kaming mga magkakapatid pareho po ang problema namin sa aming nanay. Malalaki napo kami. My youngest brother is already 19 years old. Ilang beses na ring gustong lumayas ng kapatid ko dahil sakal na sakal na talaga siya sa pag uugali ng nanay ko tapos parating pinipigilan ng nanay ko na lumayas dahil ayaw ng nanay ko na lumayas ang kapatid kong lalaki.

Nagpalitan po kami ng masasakit na salita ng nanay ko, hindi naman mga FOUL LANGUAGES yung ginagamit kumbaga mga salita KATOTOHANAN na mga saloobin namin since nung bata pa kami at yung mga pag maltrato ng nanay namin at ng kapatid ng nanay ko sa aming mga magkapatid na lumaki kaming lahat na inaapi-api.

Ngayon po, nung sagotan namin ng nanay ko kanina, everytime po may nasabi akong MASAKIT PERO TOO na mga saloobin sa kanya like sinabihan ko siya na " IRRESPONSABLE kang ina, minor de edad palang kami, pinabayaan mo na kami, itinakwil at pinabayaan mabuhay sa daan na palaboy dahil pinalayas mo kami dahil matigas ulo namin. Nakayanan mo pang matulog ng mahimbing na ang mga anak mo nasa daan walang kinakain at walang matutulogan habang ikaw natutulog sa isang bahay at walang mga anak na inaatupag na RESPONSIBILIDAD mo!"

Nasabi ko po ang mga saloobin na yan sa nanay ko tapos po pinag susuntok po nya ako, hinayaan ko po siyang suntokin ako hindi ko pa siya pinigilan but hindi nya ako tinigilan dahil hindi ako nagmukhang nasaktan sa mga suntok nya dahil nakatalikod lang ako tapos patuloy nya akong sinusuntok hanggang tinamaan nya ang bibig ko at nasaktan na ako. Natulak ko siya ng malakas para matigil nya ang pagsuntok sa akin dahil hindi na talaga siya tumitigil. Tapos po, kumuha siya ng DUMBEL, muntik na nyang ihampas sa ulo ko buti nalang napigilan ko siya but habang pinipigilan ko siya, kinakagat nya ang BICEP ko ng super malakas na kagat. Para pong mapupunit na yung laman ng braso ko. Sinabihan ko siya na" Tama na ma, hindi to dapat humantong sa ganito eh, bakit pa kasi magkasakitan pa eh pwede namang mapag-usapan". Hindi parin nya tinigilan ang pagkagat ng braso ko for 3-4 mins. Dumurugo na ang braso ko at malalim talaga ang sugat.


So nung tinigilan nya pagkagat ng braso ko, tuloy parin sagotan namin tapos pag may sinasabi ako na TOTOO at para bang hindi nya kayang marinig dahil GUILTY ba siya or NASASAKTAN, kumuha na naman siya ng WALL CLOCK tapos hinampas nya sa akin at nabasag eto.


Parang gusto nyang palayasin ako dito sa bahay. Plano na talaga cguro na ako na isusunod nyang palayasin pagkatapos ng ginawa nya sa mga kapatid ko. Sinabihan ko ang nanay ko na "HINDI AKO LALAYAS SA PAMAMAHAY NA ETO DAHIL MAY KARAPATAN AKO SA BAHAY NA ETO DAHIL DUGO'T LAMAN AKO NG TAONG NAGHANAPBUHAY PARA MAIPATAYO ANG BAHAY NA ETO!! HINDI ETO ITINAYO NG TATAY PARA LANG SAYO KUNDI PARA SA ATING LAHAT LALONG LALO NA SA KANYANG MGA ANAK! AT MAY NAIPUNDAR DIN AKO SA PAMAMAHAY NA ETO DAHIL MAY NAITULONG AKO SA PAG PAPA-AYOS NG BAHAY NA ETO!"


Ngayon po, kahati kami ng nanay ko sa bayad sa lahat ng BILLS namin dito sa bahay. Kanya2x po kami sa aming mga kinakain dito. Ako po bumibili sa mga kinakain ko and minsan po if wala talaga akong pera, nanghihingi or nangungutang po ako ng pera sa nanay ko pambili ko ng pagkain.


Ngayon po Attorney, takot po ako na hindi titigil ang nanay ko hanggat hindi nya lalayas dito. Parang may gagawin siyang masama everytime na wala ako dito sa bahay, baka pasukin nya kwarto ko at ano-ano gawin nya para mapalayas lang ako. Cguro kaya nya nagawa sakin to dahil hindi ako katulad ng nakakatanda kong kapatid na lalaki na kahit ilang beses na nyang pinalayas at hindi na pinapatongtong sa bahay, bumabalik-balik parin ang kuya ko sa bahay. Cguro dahil ang kuya ko ay VIOLENT? nagwawala sa bahay pag inaaway siya ni mama or kaya saktan sya PHYSICALLY? kaya hanggang ngayon kahit sobrang dami ng kasalanan ng KUYA ko sa kanya na WORST pa sa amin, hindi parin nya etong kayang PALAYASIN totally?


Ngayon po ATTORNEY, i know PSYCHOLOGICAL COUNSELING or ADVICE kailangan ko sa problemang eto but takot kasi ako na baka anong gagawin ng nanay ko para lang mapalayas ako. Tapos pag nagkasagotan na naman kami, sasaktan na naman nya ako. 25 years old napo ako tapos sinasaktan parin nya ako and ayaw ko pong hayaan ko nalang siya na ganyanin ako bako kung mapano ako. Hindi ko po kayang saktan ang nanay ko physically so dadaanin ko nalang sa LEGAL na paraan.


Ano2x po ba KARAPATAN ko ATTORNEY bilang isang anak sa bahay na eto? talaga bang pag pinalayas ka ng NANAY mo maski maliit na rason or dahil sa gusto lang nya, ganun nalang ba yun? LALAYAS nlang ako na parang hindi anak at walang karapatan sa bahay? Hayaan ko nalang ba gawin nya sa akin ang ginawa nyang pag TAKWIL at pagpaLAYAS nya sa iba kung kapatid?


If saktan nya po ako, katulad po ngayon, malaki po ang sugat ko dahil sa kagat nya, pag nauulit po eto at maging WORST pa, masakit man dahil ina ko siya but, ano po maari kong gawin na LEGAL para hindi nya po maulit ang pananakit sa akin PHYSICALLY? if hindi ko siya napigilan nung kinuha nya ang dumbel, malamang nahampas nya yon sa ULO ko. Please ATTORNEY, HELP ME... Im so DEVASTATED right now. I need your LEGAL ADVICE to my problem.


Thank you so much ATTORNEY

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum