Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

awarded na bahay: kanino mapupunta?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1awarded na bahay: kanino mapupunta? Empty awarded na bahay: kanino mapupunta? Sat May 10, 2014 5:23 am

lyngas


Arresto Menor

Hi.

Nasunugan po kami ng bahay noong 2003.

Tinulungan kami ng Gawad Kalinga na maitayo ulit ang bahay.

Na-award po ang bahay sa pangalan ng nanay ko at ng live-in partner niya noong 2004.

Noong 2009 po, naghiwalay sila ni nanay. Napilitan po kami umalis dahil ginugulpi si nanay. Dito lang po kami lumipat sa kapitbahay.

Ilang beses po pinag-usapan kung paano hahatiin ang bahay pero hindi magkasundo.

Namatay ang ex live-in partner ng nanay ko noong August 2013.

Gusto po ng nanay ko na bawiin ang bahay.

Marami po ang naghahabol sa bahay - kapatid, magulang, pinsan, etc. Lahat po sila binalewala ng GK dahil wala silang pangalan sa master list.

May anak po ang ex live-in partner ng nanay ko sa probinsiya.

Dinala po dito sa Maynila ang bata para maghabol sa bahay.

Ipinabor po ng Gawad Kalinga sa bata ang bahay dahil ang katwiran ng GK Head, inosente ang bata.

Nagtanong po kami sa mga abogado ng PAO (public attorney's office). Sabi ng mga abogado, walang karapatan ang bata. Dahil award lang ang bahay at hindi pamana. Hindi rin daw kasal ang nanay ko at ang ex live-in partner niya. Dahil patay na daw po ang live-in partner, lahat ng karapatan, naiwan sa nanay ko.

Sinabi ko po yan sa head ng GK. Ang sabi po sa akin, tanggapin na lang ang desisyon nila. Yung nanay po kasi ng bata, iyak nang iyak. Wala daw siya pagdadalhan sa anak niya. Ang gusto po ng head ng GK, dito na sa Maynila mag-aral ang bata basta dun sila titira sa bahay.

Humingi po ako ng written decision na may pirma niya.

Sabi niya, hindi na daw siya ang magdedesisyon. Magbobotohan na lang daw ang kapitbahayan kung kanino ibibigay ang bahay. Kung sa nanay ko or sa bata. Pero sa ngayon daw po, doon dapat nakatira ang bata sa bahay. Kaso po, dinala lang po sa Maynila ang bata ng 2 araw, tapos inuwi na ulit sa probinsiya. Di ko lang po alam kung dadalhin ulit sa Maynila para dito na mag-aral sa pasukan. Ang nakatira po ngayon ay yung nanay ng bata lang.

Tapos na po sila magbotohan noong March, 2014.

Confidential po ang resulta. Ayaw ipaalam. Pinag-aaralan pa daw nila hanggang ngayon.

Paano po ang karapatan ng nanay ko?

Awardee po siya. Pero ang nakatira, ibang tao.
Naka-record na din po sa Urban na sa nanay ko nakapangalan ang bahay.

Tama po ba ang desisyon ng GK?

Wala po ba talaga kaming magagawa maski nakapangalan sa nanay ko ang bahay?

Tama po ba ang proseso na magbotohan?

Kung sakali po na hindi iboto ng kapitbahayan ang nanay ko, mawawalan na po ba siya ng karapatan?

Talaga po bang maililipat sa pangalan ng bata ang bahay?

Pwede po ba namin habulin yung pwesto ng nanay ko bago masunugan? Bahay lang naman po ang tinayo ng GK. Pero yung puwesto/lote, hindi nila bigay.

Naguguluhan po kami kasi sabi sa PAO, lahat ng karapatan sa nanay ko lang. Pero sabi po ng head ng GK, sila daw po ang masusunod.

Sabi po ng head ng GK, pag-aaralan daw po nila ang sa parte ng nanay ko. Pero ang final decision daw po, ibigay sa bata dahil wala siyang kinalaman sa mga nangyari. Pati po linya ng kuryente, ipaubaya daw po sa bata. Basta binabayaran, wala na daw kami pakialam.

Ano po ang legal na hakbang na pwede naming gawin? Talaga po bang walang magagawa ang nanay ko kundi tanggapin na lang?

Maraming salamat po.

2awarded na bahay: kanino mapupunta? Empty Re: awarded na bahay: kanino mapupunta? Sun May 11, 2014 1:33 am

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Tama ang sinabi ng PAO kasuhan nyo rin ang GK sa pag interfere ng walang baseman dahil nasa pangalan nga ng Nanay nyo ang bahay. Malinaw na sya ang tunay na may karapatan sa bahay! Gago at bobo pala yang kagawad nyo eh!

3awarded na bahay: kanino mapupunta? Empty Re: awarded na bahay: kanino mapupunta? Mon May 12, 2014 10:30 am

lyngas


Arresto Menor

Hi.

Maraming salamat po sa pag-reply.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum