Buong buhay ko po, ang ginagamit kong name ay Jefferson. Lahat ng ID at documents ko, Jefferson ang name ko. Nang maga-apply ako ng passport, kailangan ko ng NSO-certified birth certificate. Nalaman ko na double registration ako. Yung naunang nai-file November 14, 1981 sa LCR ng Tanay, Rizal. Ang name ko Emerson. Tama naman ang date of birth at name of parents. Yung pangalawa kong registration February 1981 sa Manila. Jefferson ang name ko rito. Yun ang ginagamait ko. Pero naka-block ito sa NSO dahil mas ino-honor nila ang una kong registration. Dapat daw mag-file ako ng Petition to Cancel birth (yung una sa Tanay). Ang tanong ko po:
1. Sa Tanay, Rizal lang po ba ako pwedeng mag-file ng Petition? Anong court? Municipal o Regional?
2. Anong steps ang dapat kong gawin? Gagawa ba ako ng Affidavit? Anong name ng affidavit?
3. Gaano po katagal inaabot ang court decision sa ganitong case?
Sana po may makatulong sa akin. Salamat po.