Employee po ako na binabayaran on a monthly basis, bayad po mga holidays ko and rest days.
Eto po yung tanong ko, last year po kasi, nag - absent ako ng December 29, 2013. then nakita ko sa payslip ko na hindi nila binayaran yung proceeding holidays (Dec 30, 31, January 1) dahil hindi raw ako pumasok noong December 29, 2013 and na - exhaust ko na raw lahat ng paid leaves ko.
Totoo na na exhaust ko na yung paid leaves ko pero nag contest pa rin ako na regardless kahit na naubos ko na yung paid leaves ko dapat bayad pa rin ako sa holidays dahil paid ako on a monthly basis.
tama po ba na hindi ako bayaran ng holiday pay? for now kasi nag stop muna ako i - contest yung decision ng HR namin.
salamat po sa mga makakatulong.