Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ANNULMENT & CHILD SUPPORT

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ANNULMENT & CHILD SUPPORT  Empty ANNULMENT & CHILD SUPPORT Fri Mar 28, 2014 11:26 am

Hopeless Romantic


Arresto Menor

Atty. tulungan nyo po ako. May valid ground po ba ng annulment ang situation ko:
• 2010 Pinilit lang ako ng parents ko magpakasal dahil buntis ang gf ko at kundi pa nila nakita di nila malalaman na buntis gf ko.
• Pumayag lang po ako magpakasal dahil nagagalit parents ko. Wala ako magawa at binigla nila ang desisyon ng pamamanhikan at kasal.
• Di po ako umattend ng marriage seminar dahil magulo talaga isip ko napilitan ako para na lang matahimik sila at para na din sa bata. May iba pa ko gf that time.
• Mali ang date ng kasal ko sa marriage cert. at sakali pati age nya. Ang nakalagay po ay Dec. 17 instead of 27. Age po nya sa MC ay 29 imbes na 30 birthday nya ng Dec. 19 (28 po ako nun)
• Pineke nila ang religion ng gf ko para lang maikasal kami ng pastor. Pareho kaming katoliko at pinalitan ang kanya ng Pentecost na nakalagay sa marriage certificate.
• 1-2 a week lang kami magsama at ayaw nya tumira sa bahay namin malayo daw sa work nya.Di talaga kami nagsama at simula nung 2011 na alis ko 2013 lang kami ulit kami nagkita at yun na din ang huli wala kami maayos na usapan.
• 1 1/2 months after ng kasal lumipad ako abroad lagi kami nag-aaway sa pagiging paranoid nya di ko lang pinapatulan dahil buntis sya.
• Pinagdadamot nya ang anak ko sa family ko 1 a week o minsan hindi pa nya dinadala ang bata sa bahay ng family ko.
• Lagi kami nag-aaway pati na sa pera.
• Ilang beses nya ko hinahamon at pinagbabantaan (“Watch my next move” o kaya ay wag na daw ako magpadala ng pera wala daw sya pakelam sa pera ko etc)
• Dahil sa homesick ko at sama ng loob sa mga ginawa nya dinadaan ko sa inom at yosi ang problema ko sa kanya. Naapektuhan ang work ko at muntik na ko ma-deport at nagkaron pa ng tama ang lungs ko muntik ako di makaalis ulit.
• Dahil sa ginagawa nya gusto ko pakamatay sa sobrang lungkot dahil nilayo nya anak ko sakin.
• Nagbabanta sya ng kung ano anong demanda.
• Pag-uwi ko ng pinas walang ipon dahil pinapadala ko lahat ng sweldo ko sa kanya.
• Cold kami sa isat-isa di nag uusap. Pinagharap kami ng parents ko sinabi ko maghiwalay na kami dahil di ko sya mahal at ayoko na. Di sya pumayag pero simula nun nilayo na nya anak ko. 1 taon na after nung huling kita ko sa kanilang 2.
• Dinelete nya ko sa fb at pinalitan ang married name nya sa maiden name bago tuluyang i-deactivate ang fb nya. May ebidensya ako
• Ayaw nya pasabi kung saan sila lilipat ng bahay at kung gusto ko daw makita anak ko ako daw ang pumunta sa kanila.
• Bihira o hindi na sila pumupunta sa bahay ng parents ko at naging matabang at bastos na din ang ugali nya sa family ko.
• Ayaw nya tanggapin ang allowance ng anak ko dahil maliit daw pero galit nag alit sya nung konti ang napadala ko di ko na alam san lulugar dahil madami pa ko utang. Mag 3 y.o pa lang po ang anak ko, magkano po ba dapat ko ipadala sa ngayon po may mga utang pa ko dapat bayaran at need ko makaipon para pang file.

Sana po masagot nyo ko at mainform ano dapat ko gawin.
1. May VALID ground po ba ang story ko? Ano po yun?
2. Pwede na po ba ako magfile kahit di nya alam? Gusto ko na po maging maayos ang buhay ko pero ayoko sya kasama yung anak ko lang po gusto ko.
3. Kasama na po ba sa annulment yung decision sa anak ko? Kung sakali po at ma-annul kami wala na po syang habol sa kung ano mang meron ako? Actually wala po kami property dahil wala naman po kami bahay na sarili. Yung pera lang na mga padala ko noon.
4. Sa manila po ako tumutuloy sa mga pinsan ko kailangan pa din po bang sa probinsya ako magfile or pwede na d2 sa manila?
5. Magkano po lahat magagastos ko at kelan ako magbabayad?
6. One time big time po ba ang pagbayad?

Sana po matulungan nyo ko. SALAMAT PO

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum