Attorney, ang credit card ko po ay AxG, huling ginamit ko ito was 2008 since then di ko na ito ginamit dahil nag worry ako na baka malubog ako sa credit card, kahit yung renewal ay tinanggihan ko i receive para di ako ma tempt na gamitin ko ito, last balance ko was around 30 k,for almost 2 years i was paying 2,200 monthly, kaso napansin ko sa finance charges lang halos napupunta ang binabayad ko, hanggang yung AIG ay in absorb ng EAxxxxxBANK mas lalong lumaki yung interest plus yung yearly membership fee kaya nag request ako ng amnesty or flexi term at pagka kansela ng credit card ko, at ang ginawa ko pong dahilan ay mag a abroad na po ako, hindi po sila pumayag at nakipagtalo po ako dahil ini insist ko na 2 yrs ko na itong di ginagamit bakit ayaw nilang pumayag. di ko na po ito na settle dahil nabibigatan na po ako. Kung sino sinong tumatawag at nang ha harass sa office at sa bahay namin, kaya minabuti kong sabhin na nag resign na ko, I suggested na thru email na lang kami mag communicate, and hindi naman po silan nag e email, and now, may tumatawag na Chief Inspector daw sya sa Makati a certain RYAN SAxxxxx and telling na may warrant of arrest daw ako. ano po ang dapat kong gawin?