ang asawa ko po ay isang treasurer at sa paghuhulog nya ng pera papuntang bangko ay naholdap po siya. Ngayon dahil sa sama ng pakiramdam at nerbyos ay di nya naipablotter ang nangyari sa kanya pero pinatawag nya kaagad ang manager at sinabi nya sa kanyang manager ang nangyari. Noong hatinggabi na ay tumwag itong manager sa asawa ko at sinabing ipablotter daw ng asawa ko, pero talagang di kaya ng asawa ko dahil sobra sakit ng ulo nya at hinang hina at masama talaga ang pakiramdam. Ngayon sabi nitong manager nila, wala na ako magagawa , ngayon di mo ipanablotter kagabi kaya ikaw ang inireklamo namin, sabi nya sa asawa ko. Pinagtataka ko , sabi pa nitong manager na ayaw daw kami ilagay sa kahihiyan, kaya daw ilihim na lang daw ito at bayaran, so di pa kami sumasagot, nagtanong muna kami sa police kung talagang may reklamo sa asawa ko, pero wala pala, kundi naipablotter ng manager nila ang nangyari sa asawa ko. Ngayon patuloy pa rin sa pananakot itong manager nya at parang sinasabi na ang asawa ko daw ang kakasuhan, so nakiusap po kami sa bayaw ko na kung maari ay bigyan kami ng lupa na pwede ipangbayad dun sa cooperative dahil nga sa paulit ulit na sinasabi at pananakot na parang asawa ko pa ang may kasalanan. Itong lupa na ipangbabayad namin sa kanila ay katumbas ng halagang naholdap na dati ay gustong bilhin nung cooperative, pero ngayon ay tinatanggihan nila at ang ngayon po ay naging choosy pa sila, gusto ba naman makuha itong bahay namin o itong paupahan namin na dito lang naman kami kumukuha ng karagdagang pantustos sa buhay namin. At isa pa po may itinuturo pa silang lupa na di naman namin pag-aari, palibhasa alam nitong manager na ito sa pamilya ng asawa ko yun, kaya nagiging choosy na itong mga buhayang manager na ito at mga Board of Directors ng cooperative. Ngayon po, nakiusap kami sa kanila at sumama nga po ako sa asawa ko para makipag-usap at ako maging tagapagsalita ng asawa ko dahil sa pananakot nila ay ang asawa ko po ay parang di na makapag-isip at masyado nila kinakawawa, anong klaseng mga tao ito, imbes na unawain nila ang nangyari sa asawa ko ay parang sila pa ay kasabwat ng mga holdaper para makuha ang lupa na magustuhan nila. Noong makipag-usap po ako ay sinabi ko ang pwede namin gawin, una hulugan yung pera naholdap pero sa loob ng 5 years, dahil 3k lang po naman ang sweldo ng asawa ko at ako naman po ay wala pang permanente trabaho, at tutulungan lang po kami kahit papaano ng kapatid ng asawa ko sa paghuhulog din., pangawala po ay , yung gusto nila makuha sa aming paupahan namin ay sinabi ko sa kanila, kung gusto nila yun, pumuwesto sila dun sa loob ng 20 years hanggang mabayaran namin yung halaga ng pera na naholdap sa asawa ko, pero yung pinakaupa nila ang magiging pambayad namin, pangatlo po ay yung lupa nga po na katumabas ng halaga ng naholdap na pera, at pang-apat po ay kung ayaw nila ng mga yan, wag nila kami pwersahin kung pera gusto nila ay maghintay sila na makapagbenta ng lupa ang pamilya ng asawa ko. Ano po ba dapat naming gawin sa pangigipit sa amin nitong manager at mga board of directors ng cooperative. Di naman namin ginusto maholdap bakit ganyan sila na parang walang awa at unawa sa tao.
Free Legal Advice Philippines