Magandang araw po sa lahat ng moderators at members ng pinoylawyer.org. Nais ko pong humingi ng tulong o payo sa problemang kinakaharap ng aming pamilya sa kasalukuyan. Narito po ang kabuuan at detalye ng kaso:
May nabili pong kapirasong lupain ang aking hipag sa aming bayan sa Tarlac. Ang lupa po ay may sukat na 800 sq. meters at katabi lamang ng lupa ng aking hipag kaya siya ay naengganyong bilhin ito sa halagang 200,000 pesos. Ang nagbenta po ay ang kanyang pinsang babae. Ang titulo po ay nasa pangalan ng babae ngunit sa titulo ay may nakasulat na "married to" at nakalagay ang pangalan ng asawa niyang lalaki.
Ang pinsan po ng aking hipag ay nag execute ng affidavit na binibigyan niya ng karapatan ang aking hipag na ariin at gawin ang nais gawin sa lupa, nakasulat din sa affidavit na ang lupain ay binayaran at inilabas sa bangko ng aking hipag sa dahilang ito ay mafoforeclosed na.
Ang problema po ay naghahabol ang asawa ng pinsan ng aking hipag sa dahilang ito raw ay conjugal property at humihingi din siya ng kaukulang bayad para daw sa kalahati ng lupa.Hiwalay na po sila at may kinakasama ng iba ang lalaki.
Anu po ba ang pinakamagandang gawin upang maresolba ang kasong ito? Lagi pong nanghaharass ang asawa ng pinsan ng aking hipag at napakaimposible po ng presyong hinihingi niya na 300,000 pesos, hindi na po ito makatarungan dahil malaki na po ang nagastos ng hipag ko mula ng bilhin niya ang lupang ito.
Maraming salamat po...at mabuhay po kayu.