Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pangangalunya

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Pangangalunya Empty Pangangalunya Fri Feb 07, 2014 3:54 pm

revilo14


Arresto Menor

Good Day!

Ako po ay may kapatid na nakapag asawa na nakatira sa ibang bansa (US). Ang lalaki po na napangasawa nya ay dating schoolmate ng aking kapatid at sila po ay nakasal sa civil noong 2007. Isang taon ang lumipas at hindi na naging maganda ang kanilang pagsasama, bumalik sa US ang lalaki, lumipas ang tatlong taon ng walang magandang pagsasama sa kanila. Hindi po sila nagkaanak at ang lalaki po ay walang interest na ayusin ang papers ng kapatid ko para sila ay magkasama sa US.

Taong 2010 bumalik sa Pinas ang lalaki upang pag usapan na ang kanilang annullment na both parties are agreed for it to happen. Bago bumalik ang lalaki sa US sya po ay nag agree na sya ang gagastos sa lahat para sa annullment. Lumipas po ang tatlong taon, walang pera na pinadala ang lalaki hanggang sa natuklasan na lang ng aking kapatid na nagkaroon na sya ng anak dito sa Pinas ngunit hindi po sila kasal. Marami pa pong insidente na nalaman ng aking kapatid na ang lalaking ito ay bumabalik sa Pinas at nagkakaroon ng affair sa ibang babae sa ating bansa.

Ano po ba ang magandang hakbang para sa ganitong kondisyon? Nais na po ng kapatid ko na matuloy ang annullment nila upang makapamuhay na sya ng malaya at normal. Meron po ba tayong batas na na sumasaklaw o nagtatanggol sa mga katulad ng kapatid ko na nahihirapan makipag communicate sa kanyang asawa dahil nga na sa ibang bansa at ayaw makipag cooperate. Sa side naman po ng babae na naanakan ng lalaking ito, ano ang magandang hakbang para naman ung lalaki ay makipag cooperate na at maisakatuparan na ang kanilang annullment.

Wala pong hiling ang aking kapatid kundi mapawalang bisa lamang ang kanilang kasal sa civil. Sana po ay matulungan nyo kami kahit na mga payo na magmumula sa inyo.

Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Poong Maykapal!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum