First time ko po dito sa site na to, pwde po pa-help about my bond.
1. naka-bond po ako 5 years sa company na pinapasukan ko. tapos po nagkaroon ako ng 2 training.
ang unang training ko po ang actual cost nya ay 99k. tapos po naapply ko siya 1 beses tapos internal project pa. Tapos po after nung training pinapirma ako ng contract ko, umabot ng P547,800 ung bond ko. As a fresh grad pumirma po ako bale ang naging computation daw nung bond ko ay:
99,000 (actual cost) + (13,600(billrate) * 33(days of training))
tapos po ang monthly salary ko ay 20,000 po.
ung 2nd training ko po ang actual cost nya ay 200k in-house training lang tpos walang certificate. nag hire lang sila ng trainor. tpos after din nung training na un pinapirma ako 200k + (13,600*10days). dito po sa training na to totally hindi ko na-aaply.
bale total ng bond ko ay almost 800k.
nagresign ako last month. 2 1/2 yrs na ko sa company kaya may nttra pang 400k sa bond ko daw na need kong bayaran. nagpasa ako ng promisory note kaso hindi nila inaaceept. ang proposal nila ay down ako ng 100k tpos 1 year to pay ung remaining tapos PDC pa.
Dapat ba po ako matakot sa bond,. sa lilipatan ko hindi need ng COE. Base sa nabasa ko sa ibang topic mahohold ung COE. Ano po dapat gawin ko? mas malaki pa ung bond ko sa annual income ko. E wala naman po akong pambayad.
Thanks po sana matulungan nyo ako