ang form 0605 ay ginagamit lang bro sa ibat ibang transaction bro. if hindi sya income tax, VAT, doc stamp, excise, percentage, quarterly income tax, chances are ang bir form 0605 ang gagamitin mo na form sa pagbayad. ang example niyan is bir annual registration fee. wala mang form iyan. kaya bir form 0605 ang gagamitin mo. 2nd example is me penalty ka, dahil late ka nagparegister ng books, bir form 0605 ang gagamitin mo.
sa tanong mo if paano mag fill up niya, paano mag compute at paano magfile, itanong mo iyan sa officer of the day. depende po iyan sa transaction ng taxpayer kung ano. iba iba ang reason bakit ginagamit ang bir form 0605. isangguni mo sa officer of the day ng BIR o ng information officer ng BIR ang problema mo. matutulungan ka nila. ipakita mo ang papeles mo or ikwento mo ang problema mo sa kanila, para mabigyan ka nila ng tamang payo. kasi kung dito, di namin alam ano ang ipayo sa iyo kasi di namin alam ano ano ang mga transaction mo.