I'm in a new relationship na po and we plan to get married as soon as our annulment is granted. pero hindi pa namin yun nasisimulan asikasuhin since nasa abroad pa ang ex husband ko at di rin namin alam pa ang procedures.
The catch is, me and my partner now planned to move-in together already. may nirerent na kaming house na balak namin na formally nang tirhan kasama ng anak namin ng ex ko starting june this coming next school year.
Uuwi ang ex-husband ko this march and that time ko iiinform sa kanya ang pagmomove-in ko kasama ang anak namin.
Ito po ang questions ko:
1. May right po ba ako na dalhin ang anak namin ng ex husband ko para mag move-in kasama ng new partner ko?
2. May right po ba makialama ex in-laws ko since i've been receiving threats na makakarating ito sa korte dahil ang gusto nila iiwan sa poder nila ang bata pag mag-asawa ako ulit?
3. May kaso po ba na pwede ihatol sakin sa gagawin ko since kasal pa kami ng ex ko?
4. May right po ba na hadlangan ng ex ko and family nya yung pagmomove-on ko ang pag buo ng new family kasama ang anak ko?
May verbal na usapan kami ng ex husband ko na hanggang maaari, ayaw namin makarating sa mga demandahan ang situation namin dalawa. Although he's open to the idea na mag-aasawa din kami balang araw, he's not yet comfortable kung ang topic na paguusapan is the possibility na mauuna akon na magasawa pero dala ko ang anak namin.
Thanks for your time.