Good Afternoon!
I just want to seek your help regarding my small claim case.. I was an Application Engr. before at Ortigas and grabbed the opportunity to resign due to some
employment related matters and depression during my stay.
"Tagalugin ko na po upang mas maipahayag ko ho ng mas maige"..
Nagresign ho ako sa kumpanyang ito las January 2010 at dahil dito sinampahan ho nila ako ng kaso "small claims" dahil umano akoy lumabag sa aming kontrata
Ang nasabing kontrata ay nagsasaad ng aking estado sa kanlang kumpanya at mga benepisyo na aking maaring makuha. ngunit pagkatapos naming malagdaan ang
nasabing kontrata wala ho silang binalik na kopya.
Mula noong akoy lumisan sa kanilang kumpanya sunod sunod na ho ang mga demand letters na aking natatanggap hanngang sa masampahan ako ng kaso sa
MTC Metropolitan trial Court sa Kalookan at madesisyunan hanngang sa lumabas ang Writ of Execution at pinagbabayad ng halagang P20,000
Sir,, ako ho ay simpleng "Kuya" sa aking mga kapatid at Magulang wala ho akong itensyon na manira o makatapak ng isang tao o organisasyon.
Wala ho akong sapat na pera upang malikom at maibigay sa kanila, ganunpaman ako'y nanalig sa aking pananaw na akoy walang pagkakautang sa kanila.
Ako ho ay inaanyayahan na pumunta sa MTC upang maihayag na ang Writ of Execution sa Oktubre 5 2010,
Nais ko ho sanang hingin ang inyong payo sa aking kaso,, anu pa ho kaya ang maari kong gawin upang maibsan ang pangamba na aking nararamdaman.
Maari ko ho bang isawalang bahala ang Writ of Executuion?
Kung bayaran ko man ho ito'y maaring hulugan?
Paano kung hindi ko ho napuntahan ang pagdulog sa aking kaso?
Ako ay sadyang nangangamba na sa ngayon.. Sanay ako inyong matulungan..
Nagmamahal,
Jason Christopher Indiongco