Ang nangyari po kasi, ang bagong administration, dahil po sa busy po masyado si kapt., nagcreate po ang Lupong Tagapamayapa ng "hearing officer" tapos nag-appoint ang pangkat members ng hearing officer nila para magmediate during mediation procedings. Sa "20" Pangkat Members po nagpili sila ng "2" para magmediate every M-W-F days. Di po ako sang-ayon sa desisyon nila kasi wala po akong nababasa na pwde mag-mediate ang any Pangkat members. Ang nirarason po nila sa akin, e nasa local government code po daw...hiningan ko po sila ng dokumento kung saan sa local code ang sinasabi nila na may power ang pangkat ng ganyan pero hanggang ngayon walang maibigay..concern lang po ako kasi ayaw ko din matuto sa maling pamamalakad, additional inputs po to sa akin kung sakali man and para naman di kami malihis sa maling mga desisyon...if kung nagkakamali man ako, pasensya na po..gusto ko lang talga malaman kung meron man..if meron man na nakasaad po sa batas, pwede po ba pakitukoy kung san ko to pwede makita..para naman po may basihan ako..maraming salamat...umaasa po ako sa inyong reply. ^^