10 years ago po, nabuntis po ako ng ex ko. Nung nanganak po ako, sa birth certificate po, leave blank ko po yung para sa Father's name. So nakasunod po sa akin ang pangalan ng anak ko. Hindi naman po naghabol ang ex ko. Never po nya sinuportahan ang anak ko at never naman po ako nag-ask. Simula po ng nanganak ako, siguro po, wala pang 10 times na nagkita silang mag-ama. At wala po syang pinirmahan na kung anu-ano. In short po, wala po talaga syang naging part sa buhay ng anak ko kundi yung sperm cell nya lang po.
Neto pong 2011, nag-asawa po ako.
Paano po kaya ang mga steps na dapat namin gawin para po magamit ng anak ko ang apelyido ng asawa ko?
Pwede po ba namin na ilagay na lang ang pangalan ng asawa ko na Father dun sa birth certificate ng anak ko? Since blanko naman po iyon?
If hindi naman po, pano po kaya yung steps ng adoption? Ano po kaya ang mga documents na kailangan i-prepare?
Salamat po.