Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

help po kung ano ang aking gagawin

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1help po kung ano ang aking gagawin Empty help po kung ano ang aking gagawin Sat Sep 18, 2010 1:55 am

odin45


Arresto Menor

meron po akong lupon hearing sa lunes. ang sinampa ko pong kaso laban sa kapitbahay namin ay tresspassing, physical injury at atempted homicide.eto po yung mga pangyayari

meron po kaming computer shop dito sa baba ng bahay namin kuing saan andun din po yung sala at kusina namin. meron po sumugod sa loob namin na tatay ng isang bata na nautusan ko po na bumili ng sigarilyo. kung saan yung bata ho ay nanonood ng nag ko computer. sinabihan po ako ng tatay nung bata na wag ko na daw papupuntahin yung bata sa amin. nakainom po yung tatay. ang sabi ko oo hindi ko na sya papasukin. tapos sinabihan nya ako na wag ko na daw uutusan bumili na sigarilyo. sabi ko po oo hindi ko na uutusan. nung araw lang pong yung ko sya nautusan. pagkasabi po nya wag ko ng uutusan yung bata dinuro duro nya po ako.tapos ang sabi ko wag mo akong duduruduruin. ang sagot nya hindi basta gusto kitang duruduruin. tas sabi ko po sa knaya lumabas ka na. hindi po sya lumabas at pag katapos nun nasuntok ko po sya tapos gumanti sya ng suntok hanggang sa natulak ko po sya palabs ng bahay tapos dun nya na po ako pinagsusuntok. nung aawat po yung kapatid ko sya naman po ang binalingan. tapos nung nahinto po yung gulo umuwi po sya tapos bumalik may daladala na pong batuta yung ginagamit ng mga tanod at pinagpapalo po ako. nung pag atras nya natumba sya kaya ko naagaw yung batuta. kaya naipalo ko yung batuta sa kanya. tapos nung tumakbo po sya paalis. nsa compund po namin sya. tapos hinabol namin kasi baka kumuha pa ng kung anu mang bagay. habang hinahabol ko po sya pinapalo ko po ng batuta. nung nkita ko po yung nanay nya tumigil na po ako sa paghabol. nag basag po sya ng bote at aktong ipangsasaksak. kaya bumalik na po kami sa compound namin. nag pa blotter na po kami sa barangay. tapos nag pa medical para sa pinsala pong nakuha ko. habang nsa hospital po kami, bumalik yung tatay sa compound namin may dala dala pong kutsilyo at sumisilip sa bahay namin. may mga black eye po akong tinamo. sya po wala. nung pumasok po sya sa bahay namin bukas po yung pinto pero hindi pa kami nagpaparenta o tumatanggap ng customer. kilalang loko po dito sa lugar namin yung tatay ng bata.

tama po ba ang sinampa kong kaso? ano po ang mga hakbang na pede kong gawin?

2help po kung ano ang aking gagawin Empty Re: help po kung ano ang aking gagawin Sat Sep 18, 2010 5:43 pm

attyLLL


moderator

i do not believe trespass to dwelling will prosper. the law presumes that private persons are allowed by the owner to enter their homes (law created back when people still trusted each other). for trespassing, the entry must be against the will of the owner. in your case, you did not prevent them from entering. the subsequent refusal to heed your demand to leave is not a crime.

my worry with your charge of injuries is that you started the first punch. it might even be you who will be charged with physical injuries because you kept hitting him while he was already running away.

i also doubt your charge of attempted homicide will prosper because i do not see the element of intent to kill. he was never able to use his broken glass or knife.

perhaps you can charge him with carrying the knife and for the physical injuries and unjust vexation.

lupon conference is to bring the parties together for a possible settlement. good luck.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3help po kung ano ang aking gagawin Empty Re: help po kung ano ang aking gagawin Sun Sep 19, 2010 3:21 am

b_9904

b_9904
Prision Correccional

Odin:

If in case kasuhan ka nung tatay may mitigating circumstance ka naman eh. Sufficient provocation, mababawasan ang sentensya sayo. Ang ibig sabihin ng sufficient provocation ay: dinuro duro ka nya, pinahiya ka niya sobra, ininsulto ng sobra. in short, he made you snap!

And gusto ko lang malaman eh, nung bumalik siya ng may dalang batuta gaano katagal ang oras na lumipas? Also, malayo ba kaya ang pinag kuhanan nya ng batuta?

Kasi, if may 10 minutes man lang ang panahon ng paatras nya at sa pagbalik niya o di kaya ay malayo layo ang pinag kuhanan niya ng batuta, then may kaso ka for physical injuries kasi hindi na yun connected sa unang pagsuntok mo sa kanya.

Tsaka, pwede mo bang i-elaborate yung pag gamit nya ng basag na bote? sinubukan ba niyang saksakin kayo? AS IN SUMAKSAK TALAGA DAPAT SIYA PERO HINDI LANG KAYO TINAMAAN HA. kasi if so, pwede mong subukang kasuhan siya ng attempted homicide.

Next, trespassing: yung unang beses na pumasok siya. Walang trespassing dun. Computer Shop ka kasi eh. yung pangalawa, maaring makasuhan mo siya. Pero, ang tanong dyan is mag nagbawal ba sa kanya? meaning, sinabihan mo bang wag na siyang bumalik sainyo o di kaya nung pinaalis mo siya nung unang beses ay klaro sa actions mo na ayaw mo na siyang bumalik kahit kelan? o di kaya ay may closed sign man lang ba sa pintuan nyo? O d kaya ay naka-awang lang yun pinto at hindi naman talaga bukas na bukas? We may be able to answer this in detail if you provide more details on THIS particular matter.

4help po kung ano ang aking gagawin Empty Re: help po kung ano ang aking gagawin Tue Sep 21, 2010 9:40 pm

odin45


Arresto Menor

Salamat po sa reply.

Nung umalis po sya nag sabi sya na "anatayin nyu ako dyan at babalik ako". Ang sabi ko po "wag ka ng babalik." Mga 150M po ang layu ng bahay nya sa bahay namin. Yung bahay namin compound po sya isang loteng mahaba na may gate sa harap at sa likod. Iisa lang po ang may ari nung lote lola ko po. Private property sya. Bago po ang bahay namin 1 bahay na sa pinsan ko tapos 1 apartment tapos bahay ng tito ko tapos bahay na namin. May paliko po na 2 bago makarating sa bahay namin. Sa bungad po na gate po sya pumasok. 2 pintong gate na nakabukas yung isa. Ayun po pag balik nya. Pinalo nya po ako ng pinalo. Umawat po yung kapatid ko pero hinataw din nya pero di tinamaan. Wala po akong hawak na kung anu man nung pinapalo nya ako. Naitulak ko lang po sya kaya sya natumba at naagaw ko po yung batuta. Pinalo ko po sya habang bumabangon kaya sa likod sya tinamaan. Sa likod lang po yung mga tama nya wala po sa mukha. Di naman kalakasan yung mga palo pero may pasa daw. Nsa labas na po ng bahay namin yung paluaan mga 2 hakbang sa terrace namin.

Hindi naman po nya isinaksak yung basag na bote. Hawak nya lang at nag hahamon kaya umalis na po kami pabalik sa amin.

Bukas po yung pinto ng bahay namin nung pumasok sya.

Nung preliminary po sa lupon, nag salaysay po sya. Iniba nya po ang kwento. Ang sabi nya "Si pangalan ko po ay nag mamay ari ng illegal na computer shop." ""Yung mga kabataan daw sa lugar namin ay naloloko dun sa shop ko." Yung anak nya daw ay tumatakas ng bahay para mag punta sa amin". Ako daw ang dahilan kaya nagkaganun yung anak nya". Yun daw po ang dahilan nya kaya sya nagpunta sa amin. Binaggit nya po yung pinabili ng sigarilyo nung malayu na yung salayay nya nakwento nya na yung gulo. Nung sinabi nya po na ako daw ang may ari ng shop pero ang kapatid ko po ang tunay na nag mamay ari nun nsa kanya po yung pangalan ng permit at sya po talaga ang nag mamayri nun. Pede ko po ba sya kasuhan ng slander at false accusation? Sa harap po ng lupon ng sinabi nya yung mga yun. Tapos nung pinatawag yung kapatid ko tsaka nya lang nalaman na sa kapatid ko yung shop sa bahay namin. Nag kontra demnda po sya sa barrangay ng physical injury din sinama nya po yung kapatid ko na umaawat lang. Sya po ang aggresor nung nagkakagulo kami tapos yung asawa nya nanonood lang at di inaawat yung asawa nya kahit nung umuwi po at kahit nagkakagulo.

Next week po yung sunod na hearing. May medico legal na po ako pede ko po ba gamitin yung mga picture ng mga pasa ko sa mukha? Eto po yung medico legal Contusion Hematoma 1x1 cm frontal area right, 4x3cm frontal area , 3x3 cm zygomatic area left, 4x2 cm medial distal third fore arm left.

Marami po salamat ulit sa reply...

5help po kung ano ang aking gagawin Empty Re: help po kung ano ang aking gagawin Tue Sep 21, 2010 9:49 pm

attyLLL


moderator

the bgy lupon is not authorized to decide who is guilty; they can only try to get the parties to reach an amicable settlement.

if you are determined to bring this before the prosecutor, i recommend that you begin preparing your individual affidavits and that of your witnesses plus all your other docu evidence.

how many days does it say on your med cert that you require to recover?

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

6help po kung ano ang aking gagawin Empty Re: help po kung ano ang aking gagawin Wed Sep 22, 2010 12:47 am

andrea dela cruz


Arresto Menor

good day po ask ko lang po naiwan ko po kasi yung digicam ko sa bahay ng kaibigan ko ng almost 2 days ko pong hindi nabalikan,tpus po nung binabalikan ko n po wala na po naibenta na po or nasangla na nya ask ko lang po kung may kaso po yun kasi po ako yung nakaiwan at wala po akong ebidensiya na naiwan ko po dun.wala rin po siyang kakayahang magbayad ng halaga ng camera 9000 pnu po yun naway matulungan nyo po ako.maaming salamat po.

7help po kung ano ang aking gagawin Empty Re: help po kung ano ang aking gagawin Wed Sep 22, 2010 1:35 am

odin45


Arresto Menor

attyLLL wrote:the bgy lupon is not authorized to decide who is guilty; they can only try to get the parties to reach an amicable settlement.

if you are determined to bring this before the prosecutor, i recommend that you begin preparing your individual affidavits and that of your witnesses plus all your other docu evidence.

how many days does it say on your med cert that you require to recover?

Less than 7 days po to recover. Nangyari po ito noong Sept. 14. Pero may pasa para rin po at medyo yellowish yung sa ilalim ng mata. Yung accused person po as isang known drug user sa lugar namin. Yung pong pag accused nya sa akin na ako daw po ang may ari at ako daw ang sumisira sa kabataan during lupon hearing po pero hindi naman pla ako ang may ari nung shop. At yun din daw ang dahilan kaya nag punta sya sa amin may epekto po ba yun kasi mali pla ang dahilan nya sa pagpunta sa amin. Pwede ko po ba syang kasuhan dun sa pag accused nya sa akin?

Kailan po pwede namin ilapit sa prosecutor po yung case? Kailangan po ba namin mag hire ng attorney?

Maraming salamat po ulit.

8help po kung ano ang aking gagawin Empty Re: help po kung ano ang aking gagawin Wed Sep 22, 2010 6:47 pm

attyLLL


moderator

accusing to be the owner can be at best unjust vexation, but i find it unlikely that charge will prosper. stick with the threats and slight physical injuries.

if no amicable settlement is reached, your next step is to file your complaint affidavit at the prosecutor's office. good luck.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum