Yung mother ng child ay palaging nanghihingi ng pera. Naiinis na iyong husband ko kasi masyado mukhang pera ang mother ng child. Tinatakot pa niya ang husband ko na ipagkakalat sa buong community na may anak sa kanya ang husband ko. Wala kasing nakakaalam tungkol dito. Secret lang ang pagbibigay ng sustento ng asawa ko. Kaya lang naiinis na ang asawa ko kasi hingi ng hingi ng pera iyong mother ng bata. Pinipilit na nga ng husband ko na masustentuhan siya buwan buwan.
Ano ba ang dapat naming gawin? Nagsisisi na ang husband ko sa nagawa niya sa akin. Pinatawad ko na husband ko pero di ko maaalagan iyong anak niya sa labas.
Pwede ba sabihin duon sa mother na makuntento na muna sa binibigay ng husband ko? Pwede bang may kasulatan iyon na ito ang pwede niyang tanggapin at hwag siyang mag eeskandalo?
marami pong salamat.