Pinablotter kasi ako ng boyfriend ko. Nag away lang naman kami at ang sabi ko e magusap kami. Tinetext at tinatawagan ko siya pero ayaw niya makipagusap. Alam niyang pupuntahan ko siya sakanila kaya he threatened me na ipapablotter niya ako pag di ako tumigil. Wala naman akong pananakot or anything na ginagawa. Will it prosper if in case magfile nga siya ng report? Hindi ba talaga ako makakalapit sakanya o sa tirahan niya dahil sa blotter report kahit wala naman akong ginawang masama?
I need a reply po please. I tried to google about police blotter but all I can find is about crimes. I believe it's not a crime to want to talk po diba? Besides personal problems lang naman po ang away and not criminal offenses. Sana makasagot po kayo as soon as possible within the day. Thank you po.