May adopted po ako 9 years old pero hindi legal. Since 2 months binigay na po sya sa kin ng mga magulang nya kasi hirap at di sila kasal palaging nag aaway dahil may pamilya yong lalaki with 2 kids.
The time na ipapa baptize ko yong baby ininvite ko sila since ayoko naman na di nila masaksihan yong pag laki ng bata. Alam nila na last name ko ginamit ko sa baptistmal cert nya at naging ok naman sa kanila. Until 4 yrs old di ko pina register kasi alanganin ako baka magbago isip nila nagkaroon pa uli sila ng dalawang anak. After a year nabalitaan ko na hiwalay na sila, yong babae bumalik sa dating nyang trabaho nya bilang gro at yong 2 bata iniwan sa lalaki at may ibang ka live in na naman at may 2 na rin silang anak. Hinintay ko na before papasok sa school yong bata pinuntahan sana nila ako para sabihin ang gagawin pero out of reach sila pareho.
So I have decided to register her under my name di ko dinaan sa legal process dahil wala naman akong malaking pera, once pumunta yong lalaki at alam nya na nakapangalan na sa akin pero wala naman syang reaction. Pero nong last bday nya ininvite ko silang lahat including yong mga bata and live in partner nya. After few days nagtext na yong live in partner nong lalaki and asking kung ano daw gamit nong bata na surname so sinabi ko apelyido ko. Don na nag start yong pag ko question kung bat daw yon yung gamit nya eh naka reg daw na last name nong lalaki yong bata. Taz ngayon gusto nilang makipag usap kung bat daw ginawa ko yon parang tinanggalan ko daw sya ng karapatan sa bata pero parang binibigyan ako ng idea yong babae na bat di ko daw i try na offeran ng pera yong lalaki baka papayag.
Ang tanong ko po, is it ok na ganon ba yong set up? yong ite threat ako na kunin yong bata para lang makakuha ng pera pero alam ko na di nya kayang ibigay yong kelangan ng mga anak nya since wala syang trabaho at 7 na anak nya. pinapalabas kasi na wala na daw karapatan yong ina since bumalik daw sa dating work nya as gro. pero ngayon willing akong ibigay yong perang hihingin nila if in case na yon kelangan nila just to let my daughter stay with me.