gusto ko lamang po humingi ng advice tungkol sa mga naiwan na pagmamay ari ng aking ama. Sya po ay isang British national . Sa kasamaang palad po ay nakatanggap po kami ng email galing sa kanyang Auntie at kapatid na pumanaw ang aking ama nung nakaraang linggo August 25. Matagal na po niya sinasabi sa amin na gumawa na siya ng Last will and testament, subalit ngayon ay nagtataka kami nang biglang sabihin ng kanyang Auntie sa amin na hindi daw nito napirmahan ang kanyang huling testamento. ako po ay nagiisa niyang anak at nakapangalan sa kanya Filipino Citizen at nandito po ako sa Pilipinas. Hindi naman po kami makapunta sa London dahil sa kakapusan sa pera. May mahahabol pa po ba ako sa naiwan nya?
More power, Maraming Salamat po.
Last edited by JamesKyle on Mon Sep 02, 2013 10:43 am; edited 2 times in total (Reason for editing : add words)