May ilang katanungan po lamang ako at sana mabigyang linaw po ang lahat. Salamat.
SITWASYON:
May legal na pong asawa ang ex-GF ko at mayruon silang isang taong gulang na anak. Magdadalawang taon na na silang kasal at kakadaos pa lang ng isang taong kaarawan ng anak nilang babae. Nagkita kami ng ex-GF ko at may nangyari po sa amin. Sa ngayon ipinagbubuntis niya ang ikalawa niyang anak at ako po ang ama.
MGA TANONG:
1. May habol po ba ako sa anak namin?
2. Kung sakali, maaari po bang isunod sa apelyido ko ang bata?
SITWASYON:
Napag-usapan po namin ng ex-GF ko na itago muna ang katotohanan na ako ang ama ng ipinagbubuntis niya. Pero may kasunduan po kaming susuportahan ko ang bata hanggang sa handa na siya aminin sa asawa niya ang buong katotohanan.
MGA TANONG:
1. May karapatan pa rin ba ako sa bata kung sakaling naka-apelyido na sa legal niyang asawa ang anak namin?
2. Kung sakali, may karapatan ba ang ex-GF ko na ipagkait sa akin ang bata kahit na may pinansiyal akong suporta?
SITWASYON:
(Kung sakali) nalaman ng legal niyang asawa na hindi siya ang tunay na ama at pinagmalupitan niya ang bata.
MGA TANONG:
1. Maaari ko na bang kunin sa poder nila ang bata kahit na hindi ako ang nakasaad na ama sa kanyang birth certificate?
2. Kung sakaling kinasuhan kami ng ex-GF ko, kanino mapupunta ang karapatan sa bata?
Yun lamang po. Sana'y matugunan ninyo ang aking mga tanong at mapayuhan ninyo ako sa kung ano po ang tama at legal na paraan.
PAHABOL:
Naisip ko na po kasing pagkapanganak ng ex-GF ko ay kidnapin ang bata.