Nais ko po sanang hingin yung tulong nyo. Gusto ko po kasing ipabago yung apelyido ng anak ko kasi ang ginagamit nya eh yung sa kanyang ama.
Hindi po kami kinasal ng ama nya. Ipinagbubuntis ko pa lamang po yung anak ko, naghiwalay na kami ng ex ko. Pero nung nanganak ako, ipinagpilitan ng nanay ko na i-apelyido sa ama yung anak ko na labag sa kalooban ko. Hinayaan ko na lang sila dahil sa wala akong magawa ng mga oras na iyon.
Ngayon po, wala na kami sa puder ng mga magulang ko, nais ko sanang maging maayos yung pangalan ng anak ko kasi wala rin namang saysay yung paggamit nya ng apelyido ng ama nya. Never syang sumuporta sa aking anak.
May nakapagsabi po sa akin dati na maaari kong ipa-late register ang aking anak at apelyido ko na ang gamitin para di na ako mag-undergo sa mahabang proseso at wala din po akong pera para sa ganung proseso. Magkakaroon kaya ng conflict yun sa anak ko iyon balang araw?
Payuhan nyo naman po ako kung maaari koi tong gawin, kasi mag-aaral na po ang aking anak sa susunod na pasukan, para hindi na rin po sya mahirapan sa kalaunan.
Maraming salamat po sa inyong tulong. God bless.