Noong araw na nangyari ang alitan namin sa kapitbahay ay nakatayo lang ako sa loob ng gate at inaalalayan ko lang ang aking biyenan na babae. Wala nga ako sinabi ni isang salita sa kapitbahay. Ang tanong ko lang kung pati ba ako ay makakasuhan kahit wala naman akong sinabing kahit anong salita laban sa kanila?
Ang isa ko pang tanong ay nakalahad sa reklamo ng kapitbahay na may hawak daw akong kutsilyo gayong ang hawak ko ng oras na iyon ay ang aking biyenan. Pwede ko din ba sila kasuhan dahil hindi naman totoo ang nakalagay doon sa reklamo nila?
Kung sakaling ma-guilty kami sa kasong ito, ano po ang punishment nito? Makukulong din kami kung sakali? Pwede ba kami mag-piyansa?